• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Federer nakatakdang isubasta ang mga personal na gamit nito

Nakatakdang isubasta ni tennis star Roger Federer ang ilang mga personal na gamit nito.

 

 

Sinabi ng 20-times Grand Slam champion na bukod sa mga ginamit nito sa tennis ay mabibili rin ng kaniyang mga fans ang ilang personal na gamit nito.

 

 

Gaganapin ang live auction sa Hunyo 23 na mayroon lamang 20 lots.

 

 

Inaasahan na aabot ng hanggang $97,200 na mabibili ang nasabing mga gamit ng Swiss tennis star.

 

 

Ilan sa mga mabibili ay ang tennis racket nito na ginamit noong 2009 French Open final ng talunin niya si Robin Soderling.

 

 

Sinabi ni Federer na bawat mga gamit na ibebenta ay sumasalamin sa kaniyang tennis career at nais niyang ibahagi ito sa kaniyang fans sa buong mundo.

 

 

Ayon naman sa Christies auction na maaaring mabili sa aabot sa $2.08 milyon ang halaga ng mga gamit ni Federer.

Other News
  • Ads January 21, 2020

  • PBBM, pinuri ang PH-FRANCE direct flight initiatives, scholarship programs para sa mga Filipino student

    PINURI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang inisyatiba ng French government na buksan ang direct flight mula Manila patungong  Paris at plano nito na palakasin ang scholarship programs para sa mga Filipino students.     Pinasalamatan ng Pangulo si outgoing French Ambassador to the Philippines HE Michèle Boccoz na ipinabatid sa Pangulo ang plano […]

  • Pakikiramay bumuhos sa pagpanaw ni Johanna Lim Uy national underwater hockey member ng bansa

    BUMUHOS  ang pakikiramay sa pagpanaw ni Johanna Lim Uy ang miyembro ng Philippine national underwater hockey team sa edad 41.     Kinumpirma ng Philippine Sports Commission ang pagpanaw ng 41-anyos na atleta.     Ayon sa PSC na kasama niya ang 67-anyos na ina ng nasawi matapos na hindi sila makalabas ng kanilang bahay […]