• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOH: Hindi pa opisyal na nagsisimula ang COVID-19 vaccination sa ‘A4 group’

Nilinaw ng Department of Health (DOH) na hindi pa opisyal na nagsisimula ang COVID-19 vaccination sa mga indibidwal na kasali sa A4 priority group o “economic frontliners.”

 

 

Pahayag ito ng ahensya matapos bakunahan ng first dose noong Sabado ang 1,718 frontline personnel mula sa tinaguriang “essential sectors.”

 

 

Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, bahagi lang ng “symbolic vaccination” para sa Labor Day noong May 1 ang pagbabakuna sa ilang economic frontliner.

 

 

“In commemoration of the May 1 holiday na meron tayo, which is the day for our workers kaya ito isinagawa ng gobyerno.”

 

 

“It was just of a something symbolic event para i-recognize yung value ng ating mga manggagawa at maipakita na talagang sila ay kasali sa priorities ng gobyerno.”

 

 

Sa ilalim ng inaprubahang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force, kasali sa A4 priority group ang mga nagta-trabaho sa sektor ng transportasyon, mga palengke at grocery; manufacturing ng pagkain, inumin at gamot; food retail at delivery services; financial services; hotel at accommodation services; religious leaders; mga security guard; nagta-trabaho sa media; telecom, electricity at water distribution utilities; mga teacher, OFW, construction worker, at iba pang frontline government workers.

 

 

Paliwanag ni Vergeire, hihintayin pa ng pamahalaan ang pagdating ng karagdagang vaccine supply ngayong buwan at sa Hunyo bago bakunahan ang A4 priority group.

 

 

Batay sa huling datos ng DOH, aabot na sa 1,934,871 doses ng bakuna ang naipamahagi sa bansa.

 

 

Kabilang dito ang 1,650,318 na first dose, at tinatayang 284,553 na second dose.

 

 

Sa ngayon rumu-rolyo pa rin ang COVID-19 vaccines mula A1 hanggang A3 priority group o healthcare workers, senior citizens, at mga indibidwal na may comorbidity o ibang sakit.

 

 

Target ng pamahalaan na mabakunahan ang 70-million ngayong taon para sa pag-asang maabot ang “herd immunity” ng bansa laban sa COVID-19.

 

 

Samantala, inamin din ni Vergeire na patuloy pang binabalangkas ng ahensya at iba pang concerned agencies ang implementing rules and regulations para sa “indemnification” o bayad danyos ng pamahalaan sa mga makakaranas ng adverse effect dahil sa bakuna.

 

 

“Inaayos na yung mga IRR and part of this would be the indemnification details where PhilHealth is the one who is going to manage and develop this package.”

Other News
  • PILIPINAS SA ASEAN, PANGATLO SA VACCINATION ROLL

    PUMAPANGATLO ang Pilipinas sa ASEAN countries pagdating sa vaccination roll out ng COVID-19, ayon sa Department of Health (DOH).     Sa media forum ng DOH, sinabi Dr.Myrna  Cabotaje, head ng vaccine cluster ng ahensya na umabot na sa  1,456,793 ang nabakunahan  nang Sinovac at AstraZeneca.     Pangatlo ang Pilipinas sa Indonesia at Singapore […]

  • Manila Muslim Cemetry, nilagdaan na ni Isko

    PUMIRMA ng ordinasa si Manila Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso para sa pagpapatayo ng isang sementeryo para sa mga namatay na Muslim na residente ng Maynila sa Manila South Cemetary.   Sa ilalim ng Ordinasa No. 8608, tinawag nitong Manila Muslim Cemetary na may inilaan na P49,300,000 para sa pagpapaayos ng isang bagong […]

  • ‘Di na gagamitin ang ‘Wowowin’ sa pagbabalik-TV: WILLIE, nangako na handang magbigay ng tulong sa TV5

    KUMPIRMADO na rin ang pagbabalik telebisyon at pumirma na ng kontrata si Willie Revillame sa Kapatid Network at Media Quest Ventures para sa bagong partnership. Ginanap ang naturang pagpirma ni Willie last  noong April 26 kung saan present ang mga bosing ng TV5 kasama sina presidente ng Media Quest Holdings and Cignal TV na si […]