5,754 karagdagang contact tracers idedeploy sa Metro Manila-DILG
- Published on May 4, 2021
- by @peoplesbalita
Nakatakdang mag-deploy ang pamahalaan ng 5,754 na karagdagan pang contact tracers sa Metro Manila kasunod na rin ng surge ng COVID-19 cases sa rehiyon.
Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, lumagda na sila ng kasunduan, kasama ang Department of Labor and Employment (DOLE) at Metro Manila Development Authority (MMDA) para rito.
Sa ilalim aniya ng kasunduan, ide-deploy ang mga naturang contact tracers sa loob ng tatlong buwan, na may minimum wage na P537 kada araw.
Sa ngayon aniya ay mayroon 13,304 aplikante at 2,696 sa mga ito ang kuwalipikado sa posisyon.
“Simula na ng kanilang pagtatrabaho bilang contact tracers at simula na rin ng dagdag na alalay at pag-asa para sa ating mga kababayan na makakabangon tayong muli mula sa pandemyang ito,” ani Año.
Nabatid na sa 5,754 bagong contact tracers, pinakamarami ang itatalaga sa Quezon City na nasa 1,347.
Nasa 713 naman ang itatalaga sa Caloocan City; 707 sa Maynila; 349 sa Pasig; 333 sa Taguig; 302 sa Parañaque; 278 sa Valenzuela; 259 sa Makati; 234 sa Muntinlupa; 268 sa Las Piñas; 209 sa Marikina; 192 sa Pasay; 171 sa Mandaluyong; 161 sa Navotas; 152 sa Malabon; 47 sa San Juan at 32 sa Pateros.
Matatandaang sinabi ni DOLE Secretary Silvestre Bello III na naglaan sila ng P280.714 milyon para sa pagkuha ng mga bagong contact tracers, sa ilalim ng kanilang Tulong Panghanapbuhay sa ating Disadvantaged/Displaced Worker (TUPAD) Program. (Gene Adsuara)
-
Nakikipag-mabutihang bansa lang ang Pilipinas sa China- Sec. Roque
HINDI bahag ang buntot ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa China kundi nakikipag-mabutihang bansa lamang ang Pilipinas sa China. Noong nakaraang Biyernes ay sinabi ni Pangulong Duterte na kailangang magbayad ng Estados Unidos sa Pilipinas kung nais nitong nitong manatili ang tropang amerikano sa bansa. Pumiyok ang Chief Executiive na hindi kayang magmatapang […]
-
Panukala ni Senador Tulfo na imbestigahan ang NGCP, aprubado ni PBBM
INAPRUBAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukala ni Senador Raffy Tulfo na imbestigahan ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP). Pinaalalahanan ni Tulfo nitong Martes, Mayo 16, si Pangulong Marcos sa posibilidad ng seryosong banta sa seguridad ng bansa ang maliit na porsyon na pagmamay-ari ng China ang NGCP. Ayon sa Presidential Communications […]
-
NCR at 38 iba pang lugar inilagay na sa ilalim ng Alert Level 1 simula Marso 1
SIMULA Marso 1, Martes ay nasa ilalim na ng Alert Level 1 ang National Capital Region. Inaprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) na ilagay sa ilalim ng Alert Level 1 ang NCR simula Marso 1, 2022 hanggang Marso 15, 2022. Ang iba pang lugar sa Luzon na inilagay sa ilalim ng […]