Proteksyon para sa mga mamamahayag laban sa banta at pananakot, panawagan ni PDu30
- Published on May 5, 2021
- by @peoplesbalita
NANAWAGAN si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng proteksyon para sa mga mamamahayag laban sa banta at pananakot.
Ang panawagan ng Pangulo ay bahagi ng kanyang mensahe sa pagdiriwang ngayon ng World Press Freedom Day.
“This year’s theme affirms the nature of news and information as a public good that must be utilized effectively to achieve their intended benefits. Moreover, the messenger itself, the press, must be protected from all forms of threat and intimidation so that they may fully serve the best interest of our people,” ayon sa Pangulo.
“Let us continue to use the power of communication in nation-building and ensure the integrity and safety of the press. Together, let us nurture a better informed citizenry and realize a brighter future for everyone,” dagdag na pahayag nito.
Tinukoy ng Chief Executive ang ‘free and responsible press’ na may mahalagang gampanin sa pagsulong ng lipunan.
“In this digital age where information is created and shared rapidly, the work of both traditional and emerging media requires a stronger commitment in upholding truth and accuracy,” aniya pa rin.
“My warmest greetings to all journalists and media practitioners here in the Philippines and around the world as we celebrate World Press Freedom Day,” ang pahayag pa rin ng Pangulo.
Samantala, ang ranking Pilipinas sa World Press Freedom Index na isinagawa ng Reporters Without Borders ngayong taon ay bumaba sa 138th place mula 136th noong 2020. (Daris Jose)
-
2 piloto na nasawi sa bumagsak na fighter jet, ginawaran na ng arrival honors at parangal ng PAF
LUMAPAG ang C-130 aircraft sa Villamor Airbase, Sabado, March 8, sakay nito ang labi ng mga nasawing piloto ng FA-50 fighter jet na sina Major Jude Salang-Oy at First Lt. April John Dadulla. Nang maibaba na ang labi ng mga ito sa aircraft agad naman itong ginawaran ng arrival honors at parangal ng Philippine Air […]
-
Japanese Energy firm, tiniyak ang suporta sa polisiya ni PBBM ukol sa renewable power
TINIYAK ng isang Japanese power generation company sa Philippine government ang stable supply ng liquefied natural gas (LNG) para suportahan ang economic growth ng bansa. Sinabi ni JERA Co. Inc. presidente ng Satoshi Onoda kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ang kompanya ay nakikipagtulungan sa Aboitiz group, tumayong kinatawan si Sabin Aboitiz, […]
-
Mag-utol huli sa aktong nagsa-shabu sa Valenzuela
REHAS na bakal ang kinasadlakan ng isang magkapatid matapos maaktuhan ng mga pulis na sumisinghot ng shabu sa loob ng isang bahay sa Valenzuela city, kamakalawa ng hapon. Kinilala ni PLT Joel Madregalejo, hepe ng Station Drug Enforcement Unti (SDEU) ng Valenzuela police ang naarestong mga suspek na si Romeo David, 45, at […]