• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gilas 3×3 nagsimula ng training sa Calamba bubbles

Nagsimula ang Gilas Pilipinas 3×3 team ng kanilang training sa Calamba bubble bilang paghahanda sa Olympic Qualifying Tournament.

 

 

Matapos ang kanilang RT-PCR Test ay tumuloy na ang 6-man national team sa kanilang ensayo sa Inspire Sports Academy.

 

 

Aabot sa walong araw ang mga ito sa bubble bago umalis patungong Graz, Austria para sa Tokyo Olympic qualifier na magsisimula sa Mayo 26 hanggang 30.

 

 

Balak naman ng Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) na patagalin pa ang training depende pa rin sa mga pagbabago.

 

 

Pinangungunahan nina San Miguel Beermen CJ Perez at Mo Tautuaa ang ang 3×3 squad kasama sina Joshua Munzon ng Terafirma, Alvin Pasaol ng Meralco habang magiging alternatives naman sina Rain or Shine Santi Santillan at Karl Dehesa.

 

 

Nasa bracket C ang Pilipinas kasama ang France, Slovenia, Qatar at Dominican Republic.

 

 

Target ng Gilas 3×3 na maging unang basketball team ng Pilipinas sa loob ng 50 taon na makapag-qualify sa Olympics.

 

 

Huling nakasali kasi ang Philippine basketball team ay noong 1972 Olympics na ginanap sa Munich, Germany kung saan pinangunahan noon nina William ‘Bogs’ Adornado, Jimmy Mariano, Freddie Webb at maraming iba pa.

 

 

Ito ang unang pagkakataon na makasama sa Olympics ang 3×3 basketball at tatlo lamang sa 20 bansa na sasali sa qualifiers ang mapapasak sa Tokyo Olympics.

Other News
  • KRIS, pinasalamatan at binati ang ‘special someone’ sa kaaarawan nito; pahulaan kung sino ang tinutukoy sa IG post

    PALAISIPAN at pahulaan na naman kung sino ang ‘special someone’ na tinutukoy ni Kris Aquino na IG post niya na kung saan may mensahe na: Thank you for coming into my life… Happy Birthday!     May caption ito na, “i thought long and hard whether to upload this, because i know what kind of […]

  • PBBM, inalala ang kabutihan at kagandahang-loob ng mga Pinoy sa Hawaii

    INALALA ni Pangulong  Ferdinand R. Marcos Jr. ang kabutihan at kagandahang-loob ng mga Filipino at mga tao sa Hawaii sa kanyang pamilya noong 1986.     “I wouldn’t be here were if not for the compassion and kindness of our kababayans in Hawaii who gave us food and clothes when we arrived because we had […]

  • ‘Oil price hike, posible pang pumalo sa P12 ang dagdag sa kada litro next week’

    POSIBLE pang makaranas ng mas matinding taas presyo sa produktong petrolyo sa bagong round nito sa darating na linggo.     Ito ay matapos ang pag-arangkada ng kasalukuyang pinakamataas na dagdag-presyo sa langis ngayong linggo.     Batay kasi sa datos na nakalap ng mga kinuukulan, posible pang tumaas sa P12.72 ang kada litro ng […]