• December 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30, walang ipinangako noong 2016 election na may kinalaman sa Chinese ‘incursion’ sa WPS

SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na wala siyang ipinangako na kahit na ano hinggil sa Chinese ‘incursion’ sa West Philippine Sea, nang tumakbo siya sa pagka-pangulo noong 2016 elections. 

 

“I never, never, in my campaign as President, promise the people that I would re-take the West Philippine Sea. I did not promise that I would pressure China,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang Talk To The People, Lunes ng gabi.

 

“I never promised anything. Just because I’m President, gusto n’yong makipag-away ako,” dagdag na pahayag nito.

 

Giit nito, nagpanggap lamang ang mga opisyal ng nagdaang administrasyon na tina-trabaho ang usaping ito.

 

Sa pre-election debate noong 2016, sinabi ni Duterte na hindi siya maglulunsad ng giyera laban sa China kapag hindi ito sumunod sa ruling ng The Hague na pumabor sa PIlipinas hinggil sa maritime dispute sa China.

 

Sa halip ay hihilingin niya sa Philippine Navy na dalhin siya sa boundary ng Spratlys sa West Philippine Sea para siya ay makapag ‘jet ski’ habang bitbit ang watawat ng Pilipinas.

 

Sinabi pa niya na pupunta siya sa airport na itinayo ng China sa reclaimed land at itatanim doon ang Philippine flag.

 

“This is ours. Do what you want with me,” ang sasabihin aniya niya sa Beijing.

 

“Matagal ko nang ambisyon na maging hero ako. Kung pinatay nila ako dun, bahala na kayo umiyak dito sa Pilipinas.” diing pahayag nito. (Daris Jose)

Other News
  • “Under a Piaya Moon” at “Last Shift”, waging-wagi sa ‘Puregold CinePanalo Film Festival’

    ANG “Under a Piaya Moon” at “Last Shift” ang nagwagi sa inaasam-asam na Pinakapanalong Pelikula sa full-length and short film category sa inaugural na Gabi ng Parangal ng Puregold CinePanalo Film Festival.  Ginanap noong Marso 16 sa Gateway Cineplex 18, ito ay isang emosyonal na gabi bilang parehong established names pati na rin ang mga […]

  • Speaker Ferdinand Martin Romualdez pinuri ang gobyerno ng Timor-Leste sa pagbasura sa kahilingan ni Teves

    PINURI  ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang gobyerno ng Timor-Leste sa pagbasura nito sa kahilingan ni Negros Oriental Rep. Arnolfo “Arnie” Teves Jr. na political asylum sa nasabing bansa.     Sa pagtanggi na ito ng naturang bansa, muling nanawagan ang speaker kay Teves na umuwi na ng Pilipinas, ayusin ang kanyang suspensiyon sa Kamara […]

  • Netizens, tinag pa si Kim para subukang mag-react: Photo nina BARBIE at XIAN na kuha sa isang hotel, ginawan ng malisya

    NAG-VIRAL ang photo nina Barbie Imperial at Xian Lim na kuha sa lobby ng isang hotel sa Davao Oriental dahil nilagyan ito ng malisya ng ilang netizens.     Una itong lumabas sa Facebook post ng isang hotel sa Mati, Davao Oriental noong Linggo, May 15 at may caption ito na, “Thank you so much, […]