Curry, nagbuhos ng 41-pts upang itumba ng Warriors ang Pelicans
- Published on May 6, 2021
- by @peoplesbalita
Lumakas pa ang tiyansa ng Golden State Warriors na makahabol sa NBA playoffs matapos na itumba ang New Orleans Pelicans, 123-108.
Sa ngayon nasa Western Conference play-in position ang Warriors sa labas ng top six na mga teams habang meron na lamang pitong games na nalalabi.
Inaasahang dalawa pang games ay magtatagpo muli ang dalawang magkaribal na team.
Sa laro kanina, muli na namang nagpakitang gilas si Stephen Curry na umiskor ng 41 big points na sinuportahan ni Draymond Green na nagtala ng triple double performance gamit ang 10 points, 15 assists at 13 rebounds para sa Warriors (33-32).
Umabot naman sa walong three pointers ang naipasok ni Curry na hindi kinaya ng Pelicans.
Ang New Orleans (29-36) ay nasa pang-11 puwesto kung saan nasayang din ang big game ni Zion Williamson na kumamada ng 32 points.
-
‘Pinaka’ sa lahat ng ginawa bilang isang aktres: PINKY, thankful na mahusay na nagampanan sina Moira at Morgana
GUMAGANAP si Pinky Amador bilang si Moira/Morgana sa top-rating series ng GMA na ‘Abot Kamay Na Pangarap’. Marami na raw siyang na-portray na mabigat na papel sa buong karera niya bilang aktres, pero ito ang pinaka raw ang ginagawa niya. “Ay naku, isa sa pinakamasaya, pinakamahirap, pinaka-challenging, and pinaka-rewarding,” pahayag ni Pinky. […]
-
Ads December 6, 2021
-
Para sa Asian premiere ng upcoming Neflix movie: CHRIS HEMSWORTH, excited na rin sa pagpunta sa bansa next month
GAME na mag-collab sa isang film project ang dalawang drama princess ng Philippine Television na sina Maris Racal and Barbie Forteza. Dahil na rin sa kanilang mga fans na nag-suggest na magsama sila sa isang pelikula, nagpakita naman ng interes sina Maris at Barbie kahit na homegrown stars sila ng magkaibang TV network. […]