• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MEMORIAM WALL, INILAGAY SA HARAP NG SIMBAHAN ng QUIAPO

ISANG memoriam wall  sa harap ng  Minor Basilica of the Black Nazarene o Quiapo Church ang inilagay kung saan maaaring isulat ang pangalan ng mga yumaong mahal sa buhay lalo na ang nasawi sa coronavirus.

 

Ito ay bilang pakikiisa ng Simbahan ng Quaipo  sa panawagan ng  Arkidiyosesis ng Maynila na maglaan ng araw at oras para ipanalangin ang mga yumao na namatay dahil sa virus dulot ng COVID-19.

 

Ayon kay Fr. Douglas Badong, parochial vicar ng basilica, ito ay pakikiisa ng simbahan sa panawagan ng Arkidiyosesis ng Maynila na maglaan ng araw at oras para ipanalangin ang mga yumao dahil sa nakakahawa at nakamamatay na virus.

 

“Mayroon kaming memoriam wall kung saan isusulat ng mga tao ang pangalan ng mga namatay sa panahon ng pandemya,” mensahe ni Fr. Douglas Badong, parochial vicar ng basilica sa Radio Veritas.

 

Sa inilabas na pastortal instruction ni Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo, hinihikayat nito ang mga simbahan ng arkidiyosesis na magsagawa ng panalangin para sa mga apektado ng pandemya.

 

Noong ika-5 ng Mayo ay itinalaga ito ng arkidiyosesis sa pananalangin para sa lahat ng frontliners na patuloy sa paglilingkod sa gitna ng mapanganib na epekto ng pandemya sa sariling kalusugan.

 

Ika-6 Mayo naman ang itinalagang araw para ipagdasal ang mga may karamdaman lalo na ang nahihirapan at nahawaan ng COVID-19 habang sa Mayo 7 naman ipagdasal ang mga pumanaw.

 

Ayon kay Fr. Badong, magsasagawa ng pagsisindi ng kandila at pag-aalay ng panalangin ang Quiapo Church sa gabi ng Mayo 6 ganap na alas 7 ng gabi na pangungunahan ni Msgr. Hernando Coronel.

 

Magtitipon naman ang mga pari ng arkidiyosesis  sa Mayo 8 para sa isang misa ganap na alas 9 ng umaga sa Manila Cathedral para sa lahat ng yumao bunsod ng COVID-19 na pangungunahan ni Bishop Broderick Pabillo, Apostolic Administrator ng Archdiocese of Manila.

 

Hinikayat naman ang mananampalataya na makiisa sa mga gawain sa livestreaming sapagkat limitado lamang sa 30 porsyento ang pinapayagang makadalo sa mga simbahan bunsod ng modified enhanced community quarantine status sa National Capital Region at karatig lalawigan. (GENE ADSUARA)

Other News
  • PBBM, ipinag-utos sa NIA na lawakan ang irrigation coverage sa Occidental Mindoro

    IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa National Irrigation Administration (NIA) na maglagay ng irrigation systems na sasaklaw ang ilang munisipalidad sa Occidental, Mindoro, partikular na sa mga bayan ng San Jose at Magsaysay para palakasin ang agricultural production.     Sa naging talumpati ng Pangulo sa isinagawang distribusyon ng iba’t ibang government assistance […]

  • ‘Cash gift’ sa mga aabot ng 80-90 taong gulang lusot sa Senado

    LUMALAKI ang tiyansang maambunan ng kwarta ang mas maraming senior citizens sa Pilipinas matapos makapasa sa ikatlo at huling pagdinig ang Senate Bill 2028.     Lunes lang kasi nang makalusot ang naturang panukala, bagay na aamyenda sa “Centenarians Act of 2016” o Republic Act 10868.     Kung tuluyang maisasabatas, makakukuha ng regalong P10,000 […]

  • COVID-19 ni ex-Manila Mayor Lim ‘di alam kung saan galing

    Hindi pa rin alam ng pamilya ng nasawing dating Manila Mayor Alfredo Lim kung paano ito nahawa ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) na nagdulot ng pagkamatay nito.   “On a weekend, lumalabas siya. Tatlo, apat, hanggang limang beses. Saglit lang ‘yun. Kain lang siya ng breakfast niya, pagkatapos, paalaman na,” saad ng anak nitong si […]