• February 28, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

COVID-19 ni ex-Manila Mayor Lim ‘di alam kung saan galing

Hindi pa rin alam ng pamilya ng nasawing dating Manila Mayor Alfredo Lim kung paano ito nahawa ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) na nagdulot ng pagkamatay nito.

 

“On a weekend, lumalabas siya. Tatlo, apat, hanggang limang beses. Saglit lang ‘yun. Kain lang siya ng breakfast niya, pagkatapos, paalaman na,” saad ng anak nitong si Roland sa isang panayam.

 

Huling naaktuhan si Lim sa isang restaurant sa Sta. Cruz, Manila noong July 4 kasama ang ilan nitong pamilya na wala namang COVID-19.

 

“Nagtatanong nga sila saan nanggaling e bihira siyang lumabas, wala namang lumalabas sa kanilang mag-anak. ‘Yun ang masamang parte na hindi mo alam kanino nanggaling,” kwento pa nito.

 

Namatay aniya ang kanyang ama dahil sa kidney complication dulot ng COVID-19.

 

“Actually, nagkaroon siya ng COVID pero ang ikinamatay niya is kidney failure, which is a complication na rin ng COVID,” lahad pa ni Roland.

 

“Magmula lang no’ng magkasakit siya, do’n na. Sabihin na nga nating ‘yun pala ang epekto ng COVID na ito, na lahat ng internal is nagagalaw.”

 

Nalaman lamang na positibo si Lim sa virus nang na-admit sa Sta. Ana Hospital noong August 4.

 

“Walang nag-expect na magkakaroon siya [ng COVID-19] kasi si tatay, physically ang condition niya is talaga namang sabihin nating napakaganda.”

Other News
  • A SPIDER FOR EVERY ‘VERSE’: MEET THE SPIDER-PEOPLE IN “ACROSS THE SPIDER-VERSE” (PART 1)

    ARE you ready to watch Spider-Man: Across the Spider-Verse? Get to know the Spider-People you’ll meet in the sequel. The highly anticipated second film in the Spider-Verse trilogy opens across Philippine cinemas May 31. Watch the film’s final trailer: https://youtu.be/yEU_jRepaQg Miles Morales is Spider-Man Miles Morales is now older, wiser and more capable after going […]

  • KIM, pwede na talagang pumalit sa puwesto ni KRIS

    “IBA ‘to, nakakatakot ‘to! Sure na, kahit ako nagda-dubbing kami ni direk, ‘sabi ko, direk, sakit na ng heart ko, labas muna tayo!,” pasabog na rebelasyon ni Kim Chui sa ginanap na virtual mediacon ng pelikulang U-Turn na idinirek ni Der- rick Cabrido kumpara sa Ghost Bride at The Healing.   “Parang ako, hindi ko […]

  • ZSA ZSA, nasa puso pa rin at patuloy na inaalala ang kaarawan ng ‘Lovey’ na si DOLPHY

    INALALA naman ni Divine Diva Zsa Zsa Padilla ang kaarawan ni Comedy King Dolphy noong July 25.     Kung buhay pa raw si Pidol, he would be 93 years old.     Pumanaw si Mang Dolphy noong July 10, 2012 dahil sa chronic obstructive pulmonary disease sa edad na 83.     Sa kanyang […]