• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOH: Pagtuturok ng AstraZeneca COVID-19 vaccines, itutuloy na

Itutuloy na ng Pilipinas ang pagtuturok ng COVID-19 vaccines na gawa ng Oxford University at British pharmaceutical company na AstraZeneca.

 

 

Ito ang sinabi ng Department of Health (DOH) matapos na pansamantalang ipatigil ang pagbabakuna gamit ang naturang vaccine brand.

 

 

“Based on current evidence, Vaccine-Induced Thrombosis and Thrombocytopenia (VITT) is a very rare condition of blood clots associated with low platelet counts that can occur 4 to 28 days after receiving a viral vector vaccine such as AstraZeneca,” nakasaad sa statement.

 

 

“It was concluded that there are currently no known risk factors for VITT and that the benefits of receiving the vaccine against COVID-19 still outweighs the risk.”

 

 

Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, bunga ng pagpupulong ng ahensya, Food and Drug Administration, at Philippine Society of Hematology and Transfusion Medicine Inc. ang desisyon na ituloy ang pagbabakuna ng AstraZeneca vaccine.

 

 

Kung maaalala, sinuspinde ng DOH at Food and Drug Administration noong nakaraang buwan ang pagtuturok ng AstraZeneca vaccines sa mga edad 59-anyos pababa.

 

 

Hindi naman naapektuhan ang pagbabakuna ng nasabing vaccine brand sa mga senior citizen.

 

 

Kasunod ito ng mga naitalang insidente ng “blood clotting” at mababang platelet count sa ilang nabakunahan sa Europa at Estados Unidos. (Daris Jose)

Other News
  • BANGKAY NATAGPUAN SA NASUNOG NA VESSEL

    NAGSASAGAWA ng imbestigasyon ang Philippine Coast Guard (PCG) kung ang bangkay na natagpuan sa bisinidad ng pinangyarihan ng nasunog na cargo vessel ay kabilang sa mga naiulat na nawawalang tripulante  sa Delpan Bridge sa Maynila.      Ayon kay PCG Spokesperson Commodore Armand Balilo, hindi na makilala ang bangkay kaya naman  nakipag-ugnayan pa ang coast […]

  • Yulo swak sa World Championships sa UK

    MAGLALARO si Pinoy gymnastics sensation Caloy Yulo para sa kanyang ikatlong World Championships na nakatakda sa Oktubre sa Liverpool, England.     Ito ay matapos magdagdag si Yulo ng dalawa pang gold medals sa 9th Senior Artistic Gymnastics Asian Championships sa Doha, Qatar.     “Qualified for world championship 2022 in Liverpool UK!!,” ani Japanese […]

  • Tuloy na tuloy na at wala ng makapipigil: ENCHONG, isa sa groomsmen ni ARJO sa kasal nila ni MAINE

    SA Instagram story ni Enchong Dee makikita nga ang groomsmen invitation ni Congressman Arjo Atayde para sa inaabangang ‘wedding of the year’ nila ni Maine Mendoza.     “Yes!” ang caption na nilagay ni Enchong kalakip ang invitation na may naka-print ng ‘ERNEST DEE’ (real name ng aktor) at photo nila ni Arjo.     […]