• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Hiling ng NPC, hindi sinang-ayunan ni Bello

Tinanggihan ng labor department ang hiling ng Philippine National Police (PNP) na gawing requirement ang pagkuha ng National Police Clearance (NPC) para sa anumang transaksiyon sa Department of Labor and Employment (DOLE).

 

 

Sa liham ni Labor Secretary Silvestre Bello III, sinabi nito kay PNP chief Debold Sinas na: “Bagama’t maganda ang intensiyon, ang hilingin sa kliyente na kumuha muna ng NPC para makatanggap ng serbisyo mula sa DOLE ay maaaring makasama imbes na makabuti.”

 

 

Ang NPC ay isang database na naglalayong paghusayin ang pag-iisyu ng police clearance sa buong bansa. Nauna rito, sumulat si PNP chief Debold Sinas kay Bello na hinihiling na hingan muna ang kliyente ng police clearance bago sila maaaring makipag-transaksyon sa DOLE.

 

 

Subalit ito ay tinutulan ng mga stakeholder ayon kay Bello.

 

 

Batay sa rapid survey na isinagawa ng DOLE, hindi sang-ayon ang mga stakeholder na mag-sumite muna ng police clearance para makipag-transaksiyon sa DOLE. “Ito ay isang uri ng red tape at karagdagang pasaning-pinansiyal sa karamihan,” dagdag ni Bello.

 

 

Ipinaliwanag din ng Kalihim ang importanteng dahilan kung bakit kailangan nilang tanggihan ang hiling ng NPC, ito aniya, ay hindi ayon sa polisiya ni Pangulong Duterte na nakasaad sa Republic Act No. 11032 o ang Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2019, and Executive Order No. 129.

 

 

Dagdag pa dito, walang legal na basehan para hilingin ng DOLE sa kanilang kliyente na kumuha ng NPC, ani Bello. “Maaari din nitong labagin ang probisyon sa 1987 Philippine Constitution, Labor Code of the Philippines, at ng iba pang umiiral na batas.

 

 

Gayunpaman, pinasalamatan ni Bello ang PNP sa patuloy nilang paghahanap ng paraan upang pangalagaan ang seguridad ng publiko. “Kasama kami ng PNP sa kanilang pagbuo ng ligtas na lugar para sa ating mamamayan,” wika niya.

 

 

“Subalit, maaari natin itong makamit nang hindi dinadagdagan ang pasanin ng publiko at ng mga mamamayan na ating pinagsisilbihan,” ani Bello.  (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Mayroong PBA Special Draft muli sa Marso 14 – Marcial

    MULING pinagbigyan ng Philippine Basketball Association ang Samahang Basketbol ng Pilipinas Inc. (SBPI) na magsagawa ng Special Draft para sa Gilas Pilipinas sa Online 36th PBA Rookie Draft 2021 sa darating na Marso 14.     Pero aaralin pa ng national sport association o national governing sport body (SBPI) ang mga bubunitin sa special draft […]

  • Marcos, pinili si banking veteran Wick Veloso para pamunuan ang GSIS

    PINILI ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.’ si veteran banking executive Jose Arnulfo “Wick” Veloso para pamunuan ang  Government Service Insurance System (GSIS) sa ilalim ng  incoming administration.     Si Veloso ang kauna-unahang Filipino CEO para sa HSBC Philippines,  kung saan siya nagtrabaho ng  23 taon simula 1994.     Taong 2018,  pinalitan niya […]

  • Forced Evacuation , ipinag-utos sa mga ‘unreachable areas’ sa gitna ng Marce- DND Chief Teodoro

    IPINAG-UTOS sa Local government units (LGUs) ang pagpapatupad ng forced evacuation sa mga indibiduwal na naninirahan sa mga lugar na hindi maabot ng paghahanda para sa epekto ng Typhoon Marce.     “Ang mga municipal mayors at disaster risk reduction officers ay nire-require ng [Department of the Interior and Local Government]: Number one, na mag-forced […]