• January 10, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30, hindi bahag ang buntot at hindi duwag nang umatras sa debate kay Carpio; Panelo, hinamon ng debate si Carpio

HINDI kaduwagan o pagka-bahag ng buntot ang ginawang pag-atras ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa debate nito kay retired Supreme Court senior associate justice Antonio Carpio.

 

Ito ang tugon ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo sa kumalat sa Twitter na hashtag #DuterteDuwag.

 

Sa halip kasi na si Pangulong Duterte ang makipag-one-on-one debate kay Carpio ay inatasan nito si Presidential Spokesperson Harry Roque na siyang makipag-debate kay Carpio hinggil sa usapin ng pinagtatalunang West Philippine Sea (WPS).

 

Sa commentary show ni Panelo na “Counterpoint,” sinabi nito na walang kabuluhan kay Pangulong Duterte na makipag-debate kay Carpio lalo pa’t binigyang linaw na nito ang kanyang posisyon sa Philippines’ long-standing disputes sa China ukol sa WPS.

 

“Sabi ko naman sa inyo, hindi kaduwagan iyan. Unang-una, wala na ngang pagdedebatehan. Masyadong klaro eh. Klarong-klaro ang posisyon,” ang pahayag ni Panelo.

 

Aniya pa, ang patuloy na “word war” sa pagitan nina Pangulong Dutere at Carpio ay maaari nang ikunsidera na “debate” dahil na rin sa palitan ng mga ito ng kanilang iba’t ibang posisyon sa usapin ng WPS.

 

“Noong sinabi ni Presidente, iba ang aking naiisip. Hindi naghahamon si Presidente ng debate. Bakit pa siya maghahamon ng debate? Eh nagdedebate na nga in a way,” ani Panelo.

 

Matatandaang si Pangulong Duterte ang unang naghamon ng debate kay Carpio na pinatulan lamang ng huli na may kinalaman sa territorial issues ng WPS.

 

Magkagayon man, inanunsyo ni Sec. Roque na hindi na kakasa ang Pangulo sa debate matapos na payuhan ng mga miyembro ng kanyang gabinete.

 

“Sa media mileage, palaging panalo na yung lalaban sa Presidente. Kita mo presidente madedebate mo, hindi ho ba?,” anito.

 

Samantala, maliban kay Sec. Roque, hinamon naman ni Panelo si Carpio ng debate.

 

Maaari rin naman siyang makipag-debate kay Carpio kung tatanggapin ng huli ang kanyang hamon.

 

Giit nito sila na lamang dalawa ang magharap sa debate dahil “no match” naman si Carpio kay Pangulong Duterte dahil hindi naman sila “same rank, same intelligence, and same status.”

 

“Eh president ito ng bansa, eh ito wala, retired na ito eh,” ani Panelo.

 

“Kung gusto mo tayo na lang magdebate,” dagdag na pahayag nito. (Daris Jose)

Other News
  • 200K National IDs ipinamahagi na

    Ipinamahagi na ang Philippine Identification System (PhilSys) cards sa may 200, 000 Pinoy na nagparehistro sa ahensiya.     Ayon kay Philippine Statistics Authority (PSA) Assistant Secretary at Deputy National Statistician Rosalinda Bautista na iniulat sa ahensiya ng Philippine Postal Corp. (Philpost) na ang may 200,000 registrants ay tumanggap na ng kanilang ID at mayroon […]

  • 4-door strategy ikakasa ng DOH vs Monkeypox

    MAGPAPATUPAD ng “four-door strategy” ang pamahalaan kabilang ang paghihigpit sa mga borders ng bansa para hindi makapasok ang bagong monkeypox virus.     “Kasalukuyang 12 bansa na ang may pinakabagong kaso ng monkeypox. Kabilang dito ay siyam na bansa sa Europa pati na rin sa Estados Unidos, Canada at Australia. Dahil dito ang DOH ay […]

  • Five Nights At Freddy’s PG-13 Rating Explained: Violence, Blood, & Language

    CO-WRITER/DIRECTOR Emma Tammi explains why the Five Nights at Freddy’s movie didn’t aim for an R-rating, Despite being comprised of a host of murderous animatronics.     Anticipation is high for the adaptation of the hit horror video game franchise, which put players in the shoes of a night security guard at the eponymous family […]