• May 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NCR Plus bubble, posibleng isailalim sa GCQ- Sec. Roque

MAAARING ilipat sa General Community Quarantine (GCQ) ang Metro Manila at apat na kalapit- lalawigan na mas kilala bilang “NCR Plus bubble” matapos ang Mayo 14, 2021.

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, batay sa “formula,” gaya ng health care utilization rate, daily attack rate, at reproduction number, posible na isailalim sa GCQ ang NCR Plus bubble.

 

Ani Sec. Roque, ang health care utilization sa Metro Manila ay ibinaba sa “moderate risk” category, ang attack rate ay nababawasan at ang reproduction number ay “less than 1” na.

 

Magkagayon pa man, nananatiling nakasalalay sa Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ang pinal na desisyon.

 

“I will not second-guess the IATF but pursuant to the formula, it is possible. Again the final decision rests with the IATF,” ayon kay Sec. Roque.

 

“Ang importante ay makamit ang total health kasi kung iiwasan natin ang sakit sa COVID, o mamamatay sa COVID, mas marami ang possibleng maghirap dahil sa kahirapan habang tayo ay nakasarado ang ekonomiya,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.

 

Sinabi pa niya na nakatakdang magpulong ang IATF para sa bagong quarantine classifications sa Metro Manila, Rizal, Cavite, Bulacan, at Laguna, na kasalukuyan ngayong nasa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) hanggang Mayo 14.

 

Tiniyak ni Sec. Roque, na ia-anunsyo ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang bagong quarantine classifications bago dumating ang Mayo 15.

Other News
  • Kaya palaging inaabangan ng kanilang fans: KIM at XIAN, kakaiba ang sweetness at mga pasabog

    IBANG klase ang sweetness nina Kim Chiu at Xian Lim at talaga namang inaabangan na rin ng mga fans nila kung ano ang bagong pasabog na surprises ni Xian para kay Kim tuwing may okasyon.     Sa vlog ni Kim, inamin nito na sa lahat daw ng roses na binibigay sa kanya ng boyfriend, […]

  • Commission on Human Rights, sinimulan na ang imbestigasyon sa pangho-hostage kay ex-Sen. De Lima at pagkamatay ng mga suspek

    SINIMULAN  na raw ng Commission on Human Rights (CHR) ang kanilang motu proprio investigation sa insidenteng naging daan para sa i-hostage si dating Senator Leila de Lima na kasalukuyang nakapiit sa PNP-Custodial Center sa Camp Crame.     Kasama rin sa mga iniimbestigahan ang pagkamatay ng tatlong persons under police custody (PUPCs) na mga hostage-takers […]

  • COVID-19 vaccines protektahan vs ‘brownouts’ sa Luzon

    Nag-abiso na ang Department of Energy (DOE) sa ibang ahensya ng pamahalaan na gumawa ng kaukulang hakbang para maproteksyunan ang mga bakuna na nakaimbak sa mga ‘cold storage facilities’ dahil sa posibleng ‘rotational brownouts’ sa loob ng isang linggo o hanggang Hunyo 7.     “Dapat patuloy ‘yung coordination natin sa IATF sa ating mga […]