• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

ARJO ATAYDE, NAGPAKITA NG SUPORTA SA BARANGAY VASRA

BUMISITA kamakailan si Arjo Atayde sa  Barangay Vasra, Quezon City upang tumulong sa proyektong Community Feeding ni Mayor Joy Belmonte ng Lungsod na ito.

 

 

Siya ay sinalubong ng mga nanay ng taga-Day Care Center kasama ang kanilang Barangay Kagawad na si Ding Antenor, bukod pa rito ay bumaba rin sa iba’t ibang barangay ng Distrito Uno ang nasabing aktor upang sumuporta sa nasabing proyekto.

 

 

 

Bukod sa pagbisita sa Barangay Vasra ay mainit nilang binati ni Kagawad Ding Antenor ng Happy Mother’s Day ang mga nanay sa Day Care Center na ikinatuwa ng mga ito, kasabay ang pagbati sa butihing Mayor ng Quezon City, Mayor Joy Belmonte.

 

 

Si  Arjo ay isa sa hinahangaang  artista ng Kapamilya network at kasalukuyan niyang kasintahan ang Eat Bulaga host na si Maine Mendoza.

Other News
  • PDu30, hindi pa napipirmahan ang 182 bills na aprubado ng 18th Congress

    HANGGANG ngayon ay hindi pa rin napipirmahan ni Pangulong Rodrigo Roa  Duterte ang  182 bills na aprubado ng  18th Congress.     “Considering that the 18th Congress we had almost two years of pandemic response and pandemic lockdowns, there were 197 [bills] signed into law, there was one veto but right now, pending in the […]

  • Krudo papalo na sa P100 kada litro

    PINANGANGAMBAHAN na sa lalong madaling panahon ay pumalo na sa P100 ang halaga ng kada litro ng mga produktong petrolyo sa bansa.     Nitong Martes (Marso 8) naitala ang pang-10 at pinakamataas na price increase sa diesel na P5.85, gasolina na P3.85 at P4.10 sa kerosene sa kada litro simula nitong Enero 2022.   […]

  • 3×3 basketball players ng bansa nasa Qatar na para sa 2020 FIBA 3×3 world tour

    Nasa Qatar na ang Manila Chooks TM squad para sa pagsabak nila sa 2020 FIBA 3X3 world Tour Doha Masters.   Kinabibilangan ito nina Joshua Munzon, Alvin Pasaol, Troy Rike at Santi Santillan.   Naging pahirapan ang kanilang pagbiyahe dumating lamang ang kanilang bisa anim na oras bago ang kanilang biyahe.   Sinabi ni Chooks-To-Go […]