• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Garcia tutumba kay Pacquiao!

Hindi tatagal si dating world champion Mikey Garcia sa ibabaw ng ring sa oras na makasagupa nito si eight-division world champion Manny Pacquiao.

 

 

Ito ang pananaw ni strength and conditioning expert Justin Fortune kung matutuloy ang planong pagtutuos nina Pacquiao at Garcia sa Hulyo o Agosto sa Dubai, United Arab Emirates.

 

 

Ipinagmalaki pa ni Fortune na kayang-kaya ni Pacquiao na patumbahin si Garcia sa kabila ng malayong agwat ng edad ng mga ito.

 

 

Nasa 33-anyos pa lamang si Garcia habang 42-anyos na si Pacquiao.

 

 

“Manny will knock Mikey (Garcia) out,” ani Fortune sa panayam ng World Boxing News.

 

 

Alam ni Fortune na ma­lakas at mabilis din si Garcia ngunit iba ang bagsik ng kamao ni Pacquiao na nasilayan na ng buong mundo sa mga nakalipas na laban nito.

 

 

“Mikey’s fast and robust. He’s not as big as (Errol) Spence. But Manny’s a different animal. It’ll be a tune-up for Manny,” ani Fortune.

 

 

Maagang nagsimula sa training si Pacquiao na noong Pebrero pa nagsasanay para sa laban.

 

 

Sa kabila ng kanyang trabaho bilang Senador, nagagawa pa rin ng Pinoy pug na makapag-workout sa kanyang tahanan o kaya naman sa kanilang sariling gym.

 

 

Inaasahang ihahayag ng kampo ni Pacquiao ang opisyal na pangalan ng kanyang susunod na makakalaban sa mga susunod na araw.

 

 

Ayaw nitong pangunahan ang Paradigm Sports na siyang humahawak sa kanyang boxing career.

 

 

Kamakailan, nauna nang nag-post ng teaser si Arnold Vegafria – ang business manager ng Pinoy champion — ng Pacquiao-Garcia fight sa kanyang Instagram account.

Other News
  • Pacquiao kay Magsayo ; ‘Welcome to the Club’

    NANGUNA si dating Filipino boxing champion at ngayon ay Senator Manny Pacquiao sa mga bumati kay WBC world featherweight champion Mark ‘Magnifico’ Magsayo.     Sa kanyang social media account, binati nito ang 26-anyos na si Magsayo at sinabing “Welcome to the Club”.     Dagdag pa ng senador na labis na ipinagmamalaki ng bansa […]

  • Nangakong magsisikap pa para sa mga pangarap sa pamilya: HERLENE, ‘di mapigilang maiyak dahil natupad na magkaroon ng sariling sasakyan

    HINDI mapigilan ni Herlene “Hipon Girl” Budol na maiyak dahil natupad na ang matagal na niyang hiling na makabili ng sariling sasakyan.     Sa kanyang vlog, mapapanood ang pagbili ni Hipon ng kanyang kauna-unahang brand new car kasama ang manager na si Wilbert Tolentino.      Naging emosyonal si Hipon dahil matagal na raw […]

  • Unang kaso ng Kappa variant natukoy sa Pinas

    Nakarating na sa Pilipinas ang unang kaso ng COVID-19 Kappa va­riant o B.1.617.1 na isang lalaking pasyente mula sa Pampanga, ayon sa Department of Health (DOH).     Kinumpirma ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang unang kaso ng B.1.617.1 variant sa bansa na isang local case, isang 32-anyos na lalaki mula sa Floridablanca, Pampanga. […]