• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30, malabong ma-impeach -Sec. Roque

MALABONG ma-impeach si Pangulong Rodrigo Roa Duterte at mapatalsik sa kanyang posisyon dahil lamang sa kanyang polisiya sa West Philippine Sea (WPS).

 

Pinalagan ni Presidential Spokesman Harry Roque ang alegasyon ni dating Supreme Court Justice Antonio Carpio na ang Pangulo ay nakagawa ng “betrayal of public trust and national interest” dahil sa kanyang posisyon sa maritime conflict.

 

Para kay Sec. Roque, nagpapapansin lang si Carpio.

 

Nauna rito, sinabi kasi ni Carpio na ang aksyon ni Pangulong Duterte sa WPS ay maikukunsiderang isang impeachable offense.

 

“Alam ninyo ang taong bago sa pulitika sasabihin ang lahat para mapansin and this is yet another instance of Justice Carpio saying things just for the attention,” ang pahayag ni Sec. Roque.

 

“Bakit betrayal of public trust? Mayroon nawala bang teritoryo sa administrasyon ni Pangulo Duterte? Wala. May binigay ba siyang teritoryo sa Tsina? Wala,” aniya pa rin.

 

Iginiit pa ni Sec. Roque na ang polisiya ng Pangulo sa pagsusulong sa iba pang aspeto ng kooperasyon sa China gaya ng trade and investments na naging dahilan para mabinbin ang resolusyon ng territorial conflict ay hindi impeachable offense.

 

“Ang totoo niyan it is not just because it is a numbers game, It is because it is utterly bereft of merit because the President is the sole architect, primary architect of foreign policy,” anito.

 

Kung naniniwala si Carpio na nilabag ng Pangulo ang batas sa kanyang naging posisyon sa West Philippine Sea stance, sinabi ni Sec. Roque na maaaring dalhin ni Carpio ang kasong ito sa Korte Suprema.

 

Ang impeachment laban sa Pangulo ay “not only the remedy,” lalo pa’t ang kahit na sinumang ordinaryong mamamayan ay maaaring maghain ng reklamo sa Korte Suprema.

 

“File the suit pursuant to your standing as a citizen,” ang sinabi ni Sec. Roque kay Carpio. (Daris Jose)

Other News
  • ‘Unity’ tema ng 19th Congress

    UNITY  o pagkakaisa ang magiging tema ng 19th Congress sa pagpasok ng bagong administrasyon, ayon kay Majority Leader at 1st District Leyte Rep. Martin Romualdez na number 1 contender sa House Speakership.     Ginawa ni Romualdez ang pahayag bilang reaksyon sa pakikipagkamay ng pamangkin nito na si Ilocos Norte 1st District Rep. Sandro Marcos […]

  • Pakiusap ng malakanyang sa publiko, hintayin ang guidelines sa pagbabalik ng provincial buses na point-to-point routes

    NAKIUSAP ang Malakanyang sa publiko na hintayin na lang muna ang guidelines na ilalabas ng Department of Transportation (DOTr)  at  Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ukol sa pagbabalik ng provincial buses na  point-to-point routes bago pa mag-isip na bumiyahe.   “Hintayin lang po natin ang guidelines na ilalabas ng DOTr (Department of Transportation) at LTFRB ukol dito,”ayon […]

  • Dream come true ang pagsasama nila ni Kych: GOLD, overwhelmed na nakuha ang role na para sana kay ELIJAH

    PARA kay Gold Azeron, dream come true ang pagsasama nila sa pelikula ni Kych Minemoto.     Magkaibigan sina Gold at Kych. Una silang nagkasama sa isang short film na thesis project pero hindi raw nila ito napanood. Pero pareho silang nangangarap na one day gagawa sila ng movie together.     Dumating na nga […]