• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Hindi pa rin lusot ang mga board members dahil magkakaroon ng hiwalay na asunto laban sa mga ito

INAPRUBAHAN na ng House Committees on Public Accounts at Good Government and Public Accountability ang committee report ng ginawang imbestigasyon patungkol sa isyu ng graft and corruption sa PhilHealth.

 

Ayon kay Public Accounts Chairman Mike Defensor, aprubado na ang committee report “subject to amendments” dahil ipapasok pa ang mga irerekomendang panukala ng mga mambabatas para sa pagsasaayos ng sistema ng PhilHealth.

 

Kasama sa mga rekomendasyon ay ang pagsasampa ng kasong kriminal kina Health Secretary Francisco Duque III at dating PhilHealth President Ricardo Morales dahil sa iligal na pagre-release ng pondo sa sinuspindeng Interim Reimbursement Mechanism (IRM).

 

Kasama rin sa mga pinakakasuhan sina Labor Secretary Silvestre Bello III, Social Welfare Secretary Rolando Bautista, Budget Secretary Wendel Avisado, Finance Secretary Carlos Dominguez III dahil ang mga ito ay miyembro ng PhilHealth board.

 

Bago ang nangyaring pag-apruba sa committee report ay nagkaroon muna ng botohan sa omnibus motion ni Good Government and Public Accountability Chairman Jose Antonio Sy-Alvarado kung saan inaabsuwelto ang PhilHealth Board members sa lahat ng mga kasong isinampa ng mga komite laban sa PhilHealth.

 

Kabilang dito ang pag-absuwelto sa mga miyembro ng PhilHealth board sa implementasyon ng All Case Rate System.

 

Ang mga kasapi naman ng executive committee na pangunahing in-charge sa pagpapatupad ng all case rate system ang siyang makakasuhan.

 

Sinabi naman ni Defensor na hindi pa rin naman lusot ang mga board members dahil magkakaroon naman ng hiwalay na asunto laban sa mga ito.

 

Magkagayunman, ibinasura ng panel ang mosyon kasabay ng pag-apruba sa committee report na isasalang pa sa amendment. (Ara Romero)

Other News
  • Mister na wanted sa kidnapping sa Caloocan, timbog

    MAKALIPAS ang mahigit 19 taon, bumagsak na sa kamay ng mga awtoridad ang isang mister na wanted sa kaso ng kidnapping sa isang menor-de-edad matapos maaresto ng pulisya sa ilegal na droga sa Caloocan City.     Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong akusado sa alyas “Michael”, 48 ng Brgy., 176, […]

  • 23K riders sa Angkas, naitala sa Metro Manila

    NAKUHA ng Angkas ang may pinakamaraming allotted riders dahil sa pagkabigo ng ibang motorcycle taxi companies na magdagdag para sa expanded rider cap kung kaya’t mayroon ng kabuoang 23,000 riders ang Angkas sa Metro Manila.   Sinabi ng Department of Transportation (DOTr’s) interagency technical working committee na nag-aaral ng legality at viability ng operasyon ng […]

  • Excited na rin sa kanilang Christmas vacation: KIM, gustong mapanood si XIAN na mag-direk pero ‘di pinapayagang dumalaw

    NATUWA ang mga fans ni Kapuso actor Tom Rodriguez, nang mag-post ang manager niyang si Popoy Caritativo ng “see you soon!”     Dahil very active na rin muli si Tom sa kanyang Instagram, marami ang nag-post ng comments na natutuwa sila kung magbabalik na muli si Tom sa pag-arte dahil nami-miss na nila ang […]