23K riders sa Angkas, naitala sa Metro Manila
- Published on February 28, 2020
- by @peoplesbalita
NAKUHA ng Angkas ang may pinakamaraming allotted riders dahil sa pagkabigo ng ibang motorcycle taxi companies na magdagdag para sa expanded rider cap kung kaya’t mayroon ng kabuoang 23,000 riders ang Angkas sa Metro Manila.
Sinabi ng Department of Transportation (DOTr’s) interagency technical working committee na nag-aaral ng legality at viability ng operasyon ng motorcycle taxis na pinayagan nila ang Angkas na mag-deploy ng 23,264 na riders sa Metro Manila sa loob ng pilot testing na matatapos sa Marso 23.
Ang ride-hailing company na Move It ay hindi nakapag-deploy ng 15,000 para sa kanilang rider cap na binigay sa bawat isa para sa tatlong ride-hailing companies ng TWG at mayroon lamang itong 6,836 riders na narehistro nang dumating ang kanilang deadline noong Pebrero 12.
Bago pa lang, binigyan na rin ng Move It ang Angkas ng 5,000 slots. Habang ang JoyRide ay nanatiling mayroong 15,000 na registered riders sa kanilang operasyon.
Mula sa dating 13,000 (10,000 sa Metro Manila at 3,000 sa Cebu) na rider cap bawat ride-hailing companies ito ay itinataas sa 21,000 (15,000 sa Metro Manila; 3,000 sa Cebu at 3,000 sa Cagayan de Oro).
“Given the number of registered riders from the three ride-hailing companies based on their submitted lists, there are still 3,164 rider slots that can still be filled for Metro Manila operations as of Feb. 13, 2020,” wika ng TWG.
Ayon din sa TWG, ang Move It ay binigay na rin ang kanilang allotted slots para sa Cebu sa Angkas at JoyRide kung saan binigyan ng 4,500 rider cap ang bawat isa.
Sa ngayon, ang Angkas ay mayroong 4,500 registered riders sa Cebu habang ang JoyRide naman ay may 4,488. Sa Cagayan de Oro, ang Angkas ay may 925 na riders at ang JoyRide ay mayroong 198 na riders habang ang Move It ay walang rider sa dalawang testing sites.
Ang pilot run ay inilunsad noong 2019 habang ang mga mambabatas ng House of Representatives ay gumagawa ng paraan upang ma-regulate at magkaroon ng tamang batas para sa motorcycle taxis na maging isang alternative public utility vehicle.
Sinabi ni Metro Manila development panel chair and Manila District 1 Rep. Manny Lopez na may plano sila na maipasa ang legislative measure at malagdaan ang nasabing batas bago ang pagtatapos ng pilot study ng technical working group (TWG) ng Department of Transportation (DOTr) para sa operasyon ng Angkas, JoyRide, at Move It.
“The committee on Metro Manila development and transportation have committed to complete deliberations on bills seeking to amend Republic Act 4136 (LandTransportation and Traffic Code) to make motorcycle taxi services legal in two months,” ayon sa Mababang Kapulungan. (LASACMAR)
-
Dave Bautista Leads in a Zombie Thriller ‘Army of the Dead’ by Zack Snyder
NETFLIX has finally unveiled the trailer for Zack Snyder’s highly-anticipated zombie heist film, Army of the Dead. The new film from the director of Man of Steel and Dawn of the Dead, premieres May 21 on Netflix starring Dave Bautista. “I’ve been talking to Zack Snyder for years now; we’ve been […]
-
Sec. Roque, walang narinig na binatikos mula kay Pangulong Duterte para kay Mayor Isko
HINDI maunawaan ni Presidential Spokesperson Harry Roque kung bakit binabatikos ng progressive group na Makabayan bloc si Pangulong Rodrigo Roa Duterte gayong hindi naman pinangalanan ng Chief Executive ang Alkalde na sinasabi niyang “disorganisado” sa pagbibigay ng ayuda at pagtatakda ng bakuna sa kanyang mga nasasakupan. Nauna nang sinabi ng militanteng grupong makabayan na […]
-
PAGAWAAN NG SIGARILYO SA BANSA, ISANG MODEL WORKPLACE
ANG pasilidad ng mga malalaking pagawaan ng sigarilyo sa bansa ay model workplace sa panahon ng pandemya, ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III kasunod ng kanyang pagbisita sa isang malaking planta ng sigarilyo. Sa kanyang pagbisita sa planta ng Phlip Morris Fortune Tobacco Co kahapon, pinuri ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang multinational […]