• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 mutation ng Indian variant mas mabagsik – DOH

May dalawang mutation ang COVID-19 Indian variant na mas mapanganib sa tao dahil sa kapabilidad na mas mabilis na makahawa at mas magdulot ng lubha sa pasyente, ayon sa Department of Health (DOH).

 

 

Sa presentasyon ng DOH sa media forum, nabatid na may 16 mutation na ang Indian variant o ang B.1.617 variant ngunit ang E484Q at L452R ang mga mutation na mas nakakabahala.

 

 

Ang mutation L452R ay sinasabing may mas mataas na kakayahang mas mabilis na makahawa ng marami at malabanan ang antibody ng isang tao. Maaari rin nitong matulungan ang virus na maiwasan ang antibodies ng mga indibidwal na nakarekober na o nabakunahan na.

 

 

Ang Mutation E484Q naman ay kahalintulad ng E484K mutation na matatagpuan sa South African variant at Brazil variant. Mas malakas ang binding capacity nito sa tao at maaaring makai-was sa immune system.

 

 

Tinukoy na rin ng World Health Organization (WHO) na “variant of concern” ang Indian variant.

 

 

Sa Pilipinas bukod sa Indian variant, unang natukoy dito ang presensya ng United Kingdom variant, South African variant at P.3 variant na unang nadiskubre sa ating bansa.

 

 

Sa kabila naman ng pagbaba ng mga kaso sa mga nakalipas na araw, nagpaalala si Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na huwag magpakampante ang publiko dahil wala pa rin sa ‘safe level’ ang sitwasyon sa bansa at mataas pa rin ang average daily attack rate.

Other News
  • Sotto magpapalakas pa!

    AMINADO si Gilas Pilipinas standout Kai Sotto na kailangan pa nitong magpalakas upang mas maging matagumpay sa mga susunod na laban na haharapin nito.     Bahagi si Sotto ng Gilas Pilipinas na sumabak sa dalawang laro ng tropa sa fourth window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers na ginanap sa Beirut at Manila.   […]

  • Pilipinas at Japan, pumirma ng kasunduan para sa 97-meter patrol vessels

    PUMIRMA ng kasunduan ang Pilipinas at Japan ngayong araw para sa limang 97-meter Multi-Role Response Vessels ng Philippine Coast Guard.       Ayon sa Department of Foreign Affairs, nagkakahalaga ng 64.38 billion yen o halos 24 million pesos ang limang vessels gayundin ang pag-develop ng support facilities.       Ito ay popondohan ng […]

  • Direk SIGRID, puring-puri sina RHEN at RITA dahil mahusay kahit mga baguhan; wish na maging eye-opener ang ‘Lulu’

    SABI ni Direk Sigrid Andrea Bernardo, hindi raw niya pupurihin ang isang artista kung hindi mahusay ang acting nito.     Kasi kung hindi raw mahusay ang pag-arte ng artista niya tapos pinuri niya, that will also reflect on her as a director.     Bida sa Lulu, na first series niya about girl-to-girl relationship […]