P1K ayuda sa Bayanihan 3 kinontra sa Kamara
- Published on May 14, 2021
- by @peoplesbalita
Hindi sinang-ayunan ni dating House Speaker Alan Peter Cayetano ang panukala ng House Committee on Economic Affairs at Committee on Social Services na P1,000 lamang ang ayudang ipamimigay bawat indibidwal sa ilalim ng Bayanihan 3.
Sinabi ni Cayetano na sapat ang P200 bilyong pondo ng panukalang Bayanihan 3 para makapagpamahagi ng P10,000 ayuda sa bawat pamilya.
“Hindi limos ang hinihingi ng ating mga kababayan. Tulong, dahil extraordinary ang problema,” pahayag ng dating Speaker.
Nitong Pebrero, inihain ni Cayetano at kaniyang mga kaalyado ang 10k Ayuda Bill na naglalayong mabigyan ng P10,000 tulong-pinansyal ang bawat pamilyang Pilipino habang patuloy ang kawalan ng trabaho at kagutumang dulot ng pandemya.
Isinama ang panukala sa bagong bersyon ng Bayanihan 3, pero sa kasamaang-palad ay hindi isinali ang probisyon na P10,000 ayuda bawat pamilya.
Hinimok ng dating Speaker ang publiko na manawagan sa mga mambabatas na suportahan na ang mungkahing mabigyan ng P10,000 tulong-pinansyal ang bawat pamilya.
Kumpiyansa naman si Cayetano na hindi ibi-veto o tatanggihan ni Pa-ngulong Rodrigo Duterte ang 10k Ayuda Bill kapag ipinasa ito ng Kongreso dahil may mapagkukunan naman ng pondo para rito. (Daris Jose)
-
Gilas maghahanda sa resbak ng SoKor
Paghahandaan ng Gilas Pilipinas ang pagresbak ng South Korea sa 2023 FIBA World Cup Qualifiers na nakatakdang magsimula sa Nobyembre. Dalawang beses tinalo ng Pilipinas ang South Korea sa final window ng FIBA Asia Cup Qualifiers na ginanap sa Clark, Pampanga. Una ang 81-78 panalo ng Pinoy squad laban sa Koreans […]
-
PBBM, pinag-aaralan na bigyan ng rice allowance ang mga empleyado ng gobyerno
PINAG-AARALAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbibigay ng rice allowance sa mga empleyado ng gobyerno para matulungan na mapagaan ang paghihirap ng mga consumers. “I’m going to initiate, at least for the government workers, the rice allowance… part of the sweldo, ang pagbayad is in rice,” ayon kay Pangulong Marcos, pinuno ng […]
-
Pacquiao, sanay na raw humarap sa mas malalaking boksingero kaysa kay Spence
Itinuturing ni American boxer Errol Spence na isang matinding laban ang matutunghayan ng mga boxing fans sa pagharap niya kay Filipino boxing champion Manny Pacquiao. Sa isinagawang unang presser ng dalawang boksingero para sa August 21, 2021 na laban tiniyak ni Spence na magwawagi ito. Alam daw niya ang kakayahan ng […]