Key players may tsansa pa sa National Team
- Published on May 15, 2021
- by @peoplesbalita
Magsisilbing basehan ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) ang Premier Volleyball League (PVL) Open Conference para punan ang nalalabing slots sa national team.
Ayon kay women’s national team head coach Odjie Mamon, may ilang slots pa itong kailangan sa koponan kabilang na ang libero, setter at outside hitter positions.
“We definitely need another setter and another libero because the current ones we have on the lineup are young. So we need a veteran libero to beef up the team,” ani Mamon
Dahil dito, may pagkakataon pang makapasok sa national team ang ilang key players na bigong makapunta sa volleyball tryouts noong Abril sa Subic.
Kabilang na rito sina Alyssa Valdez, Kalei Mau, Rhea Dimaculangan, Kim Fajardo, Dindin Santiago-Manabat, Jia Morado at Dawn Macandili.
Wala rin sa tryouts sina Myla Pablo, Ces Molina, Kat Tolentino, MJ Phillips, Kim Dy, Alleiah Malaluan, Risa Sato, Bea De Leon, Maddie Madayag, Marist Layug, Thea Gagate at Lorene Toring.
Mayroon lamang 16 players ang nasa pool.
Pasok sina Jaja Santiago, Aby Maraño, Majoy Baron, Eya Laure, Mylene Paat, Iris Tolenada, Kamille Cal, Faith Nisperos, Ivy Lacsina, Mhicaela Belen, Dell Palomata, Ria Meneses, Imee Hernandez, Jennifer Nierva at Bernadette Pepito.
Hahawakan din ang Pinay spikers ni Brazilian coach Jorge Edson Souza de Brito na inaasahang darating sa bansa sa susunod na buwan.
-
Korean Trader, inaresto sa NAIA
INARESTO ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang negosyanteng South Korean na wanted ng mga awtoridad sa Seoul dahil sa economic crimes. Sinabi ni Immigration Commissioner Norman Tansingco si Ahn Youngyong, 54 ay nasabat sa NAIA terminal 1 habang ito ay papasakay sa Philippine Airlines biyaheng […]
-
Tennis star Maria Sharapova, buntis na
MASAYANG ibinahagi ng five-time Grand Slam tennis champion Maria Sharapova na ito ay buntis na. Sa kanyang social media account ay isinagawa ang anunsiyo kasabay ng kaniyang ika-35 na kaarawan. Magugunitang noong Pebrero 2020 ay nagretiro na sa paglalaro ng tennis ang Russian tennis player. Inanunsiyo rin nito noong […]
-
Barangay Ginebra kampeon na naman laban sa Dragons
Nakuha ng Barangay Ginebra ang kampeonato ng 2022 PBA Commissioner’s Cup matapos na talunin ang Bay Area Dragons 114-99 sa kanilang Game 7. Mula sa simula ay hindi na pinaporma ng Gin Kings ang kalaban sa harap ng 54,589 fans sa Philippine Arena sa Bulacan. Ito na ang itinuturing na p […]