• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

SANYA, marami nang nagkaka-interes na kuning endorser dahil sa tagumpay ng teleserye

PATULOY ang pagtaas ng rating ng new action-drama fantasy series na Agimat ng Agila, sa muling pagbabalik-acting ni Ramon “Bong” Revilla, Jr. sa TV. 

 

 

Sa first two episodes ipinakita muna ang pagkakaroon ng masayang pamilya ni Gabriel, ang pagliligtas niya sa enchanted eagle, who in turn ay siyang tumulong sa kanyang makaligtas sa nasusunog niyang bahay.

 

 

Sa pamamagitan ng kanyang kakaibang pagtawag, nalaman ni Nanay Berta (Elizabeth Oropesa) kung nasaan si Gabriel at sa tulong ng agilang si Mulong, inalagaan nila ito.

 

 

Simula ngayong Saturday, ipapamalas na ni Gabriel ang mga katangian ng agila na napasakanya. Anu-ano kaya ang mga katangian ni Mulong na isa-isa nang gagawin ni Gabriel.

 

 

At labis-labis ang pasasalamat ni Bong sa mga netizens na tumututok tuwing Sabado sa Agimat ng Agila dahil kung noong pilot episode ay nakakuha ito ng mataas na rating na 16.3 percent, noong May 8 naman ay nakakuha sila ng 16.7 percent.

 

 

Ang Agimat ng Agila ay sa direksyon ni Rico Gutierrez at napapanood pagkatapos ng Pepito Manaloto sa GMA-7

 

 

***

 

 

THIS Saturday ay mapapanood na rin ang character ni Sanya Lopez as Maya sa Agimat ng Agila at tiyak na ikatutuwa ito ng mga fans niya, na from Monday to Saturday ay mapapanood na siya sa dalawang magkaibang character.

 

 

Si Sanya ang leading lady ni Kapuso actor na si Gabby Concepcion sa romantic-comedy series na First Yaya. 

 

 

Kung sa First Yaya ay sweet at mabait si Yaya Melody, sa Agimat ng Agila ay masungit at hirap magtiwala sa kapwa niya si Maya Lagman, anak-anakan ni Nanay Berta, na duda sa pagkatao ni Gabriel nang dalhin na siya ni Nanay Berta sa kanilang bahay.

 

 

Tutulungan kaya ni Maya si Gabriel sa layunin nito?

 

 

At higit sigurong ikatutuwa ni Sanya na dahil sa kanyang dalawang serye sa GMA-7 ay marami na raw interesadong kuning isang endorser ang actress ng kani-kanilang mga produkto.

 

 

Gustung-gusto raw kasi nila si Sanya sa character niya bilang si Yaya Melody na walang kaere-ere ang dating at sa halip ay parang tunay na ina ng mga alaga niyang tatlong anak ni President Glenn Acosta or PGA (Gabby).

 

 

Kaya ang hinihintay naman ng mga netizens ay kung paano tatanggapin ng mga bata na may relasyon na ang kanilang ama at ang kanilang yaya.

 

 

Napapanood naman ang First Yaya Monday to Friday, pagkatapos ng 24 Oras.

 

 

***

 

MUKHANG tanggap ng mga fans ni Julie Anne San Jose ang new ka-love team ng singer-actress na si David Licauco sa Heartfelt Cafe. 

 

 

Inamin naman ni David na matagal na siyang interesadong makatrabaho si Julie Anne, kaya naman nang magkaroon ng audition para sa role ni Ace Espinoza, at inimbita siyang mag-audition, sumali siya at napili ni direk Mark Sicat dela Cruz na makatambal ni Julie Anne.

 

 

“Kaya sa tulong nina direk Mark at ng acting coaches namin nina Julie, we enjoyed every scene dahil  parang hindi kami nagtatrabaho kasi game lahat ng mga kasama namin sa romantic-comedy series,” sabi ni David.

 

 

“Kaya ngayon pa lamang ay nagpapasalamat na kami sa gabi-gabi ninyong pagtutok sa Heartful Cafe.”

 

 

Napapanood ito gabi-gabi pagkatapos ng First Yaya.

 

(NORA V. CALDERON)

Other News
  • Pacquiao, Ugas nagkita na!

    Sa kauna-unahang pag­kakataon, nagkaharap na sina eight-division world champion Manny Pacquiao at World Boxing Association (WBA) welterweight champion Yordenis Ugas.     Dahil replacement lamang si Ugas, hindi na nakapagsagawa pa ng press tour sina Pacquiao at ang Cuban pug.     Orihinal sanang makakalaban ni Pacquiao si Errol Spence Jr. ngunit sumailalim ito sa […]

  • PDu30 kinampihan si Duque sa Pfizer vaccine deal

    PINAGPAPALIWANAG ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Health Secretary Francisco Duque III hinggil sa  sinasabi ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na “somebody who drop the ball” kaya hindi natuloy ang kasunduan ng Pilipinas sa Pfizer COVID-19 vaccine manufacturer na dapat sana ay Enero ng susunod na taon ay maidedeliver na ang bakuna.   […]

  • WALANG AKTIBIDADES SA CHINESE NEW YEAR SA MAYNILA

    WALANG magaganap na anumang aktibidades sa Chinese New Year sa Maynila sa Pebrero 11, ayon kay Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno” Domagoso.     Ito ang sinabi ng Alkalde sa kanyang pagdalo sa  120th founding anniversary sa kanyang pakikipagpulong sa mga organizer na walang magaganap na parade sa nasabing pagdiriwang.   Aniya maagang naabisuhan ang mga Filipino […]