PDu30 kinampihan si Duque sa Pfizer vaccine deal
- Published on December 19, 2020
- by @peoplesbalita
PINAGPAPALIWANAG ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Health Secretary Francisco Duque III hinggil sa sinasabi ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na “somebody who drop the ball” kaya hindi natuloy ang kasunduan ng Pilipinas sa Pfizer COVID-19 vaccine manufacturer na dapat sana ay Enero ng susunod na taon ay maidedeliver na ang bakuna.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, kinausap ni Pangulong Duterte si Duque para ipaliwanag ang akusasyon ni Secretary Locsin na dahil umano sa kapabayaan nasayang ang pagkakataon ng Pilipinas na makakuha ng 10 milyong doses ng anti-COVID-19 vaccine na gawa ng Pfizer ng Amerika sa unang buwan ng susunod na taon.
Aniya, tuloy pa rin naman ang negosasyon ng pamahalaang Pilipinas sa US government at inaasahang sa buwan ng Hunyo ng susunod na taon ay darating sa bansa ang bakuna na gawa ng Pfizer.
Sa naging pahayag ni Locsin naisara na ang kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Amerika sa pamamagitan ni US Secretary of State Mike Pompeo para sa bakuna ng Pfizer subalit nabigo umano si Duque na isumite ang requirement na Confidentiality Disclosure Agreement o CDA for procurement.
Base sa record September 24, 2020 ibinigay kay Secretary Duque ang CDC para pirmahan subalit nireview pa umano ng legal department ng DOH at napirmahan noong October 26 ng taong kasalukuyan.
Samantala, walang nakikitang kapabayaan o malaking pagkakamali ang Pangulo kay Health Secretary Duque III.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque na bagaman madamdaming nagpaliwanag si Duque sa Pangulo kamakalawa ng gabi, sa kabuuan ay wala namang nalikhang pinsala at danyos ang insidente dahil tuloy pa rin naman ang pakikipag-usap ng bansa sa Pfizer.
Sinasabing nabigo si Duque na agad isumite ang Confidentiality Closure Agreement kaya naunsyami ang negosasyon sa Pfizer.
Matatandaan na ibinunyag ni Sen. Panfilo Lacson na si Duque ang tinututukoy ni Locsin na dahilan kaya nabigo ang Pilipinas na makuha ang deal sa bakuna ng Pfizer.
Sina Locsin at Philippine Ambassador to the US Jose Romualdez ang umano’y gumawa ng paraan para makakuha ang Pilipinas ng bakuna ng Pfizer.
Subalit nabigo umano si Duque na isumite ang documentary requirements para makuha ang bakuna.
Paliwanag pa ni Lacson na nag-follow up pa ang country representative ng Pfizer sa mga kailangang dokumento subalit hindi ito naibigay ng DOH.
Dahilan dito kaya mas nauna umano ang Singapore na makakuha ng Pfizer vaccines kaysa sa Pilipinas. ( Daris Jose)
-
Mt. Bulusan, sumabog; Alert Level 1, itinaas!
NAGKAROON ng phreatic eruption ang bulkang Bulusan sa Sorsogon nitong Linggo ng umaga sanhi upang itaas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang alert status nito sa Alert Level 1 o low-level unrest, mula sa dating 0 lamang o normal. “Alert Level 1 status is now raised over Bulusan Volcano, which […]
-
7-milyong deactivated na botante, hinimok ng PPCRV na muling magpadala sa voters registration ng COMELEC
Nanawagan ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa mga botanteng hindi nakaboto ng dalawang magkasunod na halalan, lumipat ng tirahan, nagpalit na ng pangalan o mga Overseas Filipino Workers na bumalik na ng bansa na muling magpatala sa kasalukuyang voters’ registration ng Commission on Elections. Ito ang panawagan ni PPCRV Executive […]
-
Panay ang pagla-like sa pino-post ng boyfriend: KIM, very supportive sa mga projects ni XIAN
NGAYONG napapanood na ang “Hearts On Ice” ng GMA Network at first team-up nina Ashley Ortega at Xian Lim, labis ang pasasalamat ng mga fans ng aktor sa girlfriend ng kanilang idolo, si Kim Chiu. “Thank you Kim for liking Xian’s post… you’re truly a very supportive girlfriend to Xi… We love you […]