• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

200-K trabaho, inaasahang maibabalik – DTI

Aabot sa 200,000 trabaho ang inaasahang maibabalik kasunod ng paglalagay sa National Capital Region (NCR) gayundin sa mga karatig na lalawigan ng Rizal, Bulacan, Cavite, at Laguna, sa ilalim ng general community quarantine (GCQ) simula bukas, Mayo 15.

 

 

Ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez, magmula nang inilagay kasi ang “NCR Plus” sa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ) noong Marso ay 1.5 million Pilipino ang nawalan ng trabaho.

 

 

Bumaba ito ng hanggang 1 million nang inilagay ang NCR at mga karatig lalawigan sa ilalim naman ng modified ECQ noong Abril.

 

 

Sa ngayon, ang bilang ng mga manggagawang nawalan ng trabaho ay bumaba pa sa 700,000 matapos na payagan ng national govenrment ang limited operations ng ilang mga establisiyemento tulad ng mga dine-in restaurants, barber shops at parlors sa gitna ng MECQ.

 

 

Kagabi sa isang televised address, inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang NCR Plus ay ilalagay na sa ilalim ng GCQ na mayroong “heightened restrictions” mula Mayo 15 hanggang Mayo 31.

 

 

Kabilang sa mga economic activities na pinapayagan sa bagong quarantine classification na ito ay ang indoor dine-in services sa 20% venue o seating capacity, outdoor o al fresco dining sa 50% venue o seating capacity, at outdoor tourism. (Daris Jose)

Other News
  • Lloyd Jefferson Go salo sa pang-8, P257K sinubi

    Tinapos ni Lloyd Jefferson Go ang kampanya sa five-under-par 67 uipang sumosyo sa pangwalo sa 11th Asian Development Tour 20220-22 Leg 14 $200K PIF Saudi Open nitong Dec. 8-10 sa Riyadh Golf Club.     Nagbuslo ang 27-anyos na Pinoy buhat sa Cebu ng six birdies laban sa one bogey sa pagsara sa 54 holes […]

  • MANILA CHIEF INQUEST PROSECUTOR, INAMBUSH PATAY

    PATAY ang Manila Chief Inquest Prosecutors matapos tambangan ng hindi nakikilalang gunman sakay ng isang kulay itim na Sports Utility Vehicle sa Paco Maynila.   Sa inisyal na report ng Manila Police District (MPD)-Police Station 5, kinilala ang biktima na si Jovencio Senados y Bagares, 62 at taga Blk 53 Lot 19 Villa Palao, Calamba, […]

  • Maaaring tumakbo bilang substitute candidate para sa pagka-senador

    ISINIWALAT ni Presidential Spokesperson Harry Roque na may opsyon siyang tumakbo bilang  substitute candidate sa pagka-senador sa  2022 elections.      “I found out just recently that PRP (People’s Reform Party) has apparently asked someone to file by way of substitution, giving me the opportunity to run on or before Nov. 15,” ayon kay Sec. […]