• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DoH, tiwalang makukumpleto na ang pagtuturok ng Covid-19 vaccines sa mga nasa A1, A2, at A3 priority list

KUMPIYANSA ang Department of Health (DoH) sa patuloy na pagdating ng mga suplay ng Covid -19 vaccines lalo na ng AstraZeneca at Sinovac.

 

Dahil dito, malapit nang makumpleto ng DoH ang pagbibigay ng bakuna para sa mga nasa A1 at A2 priority list.

 

Sinabi ni DoH Usec. Myrna Cabotaje, sa kanilang pinakabagong datus, tinatayang nasa 1.1 million na ng mga nasa A1 category ang nakatanggap ng bakuna, mula sa target nilang 1.5m vaccines.

 

Ang ibig sabihin aniya nito ay umaabot na sa 74% ang nabibigyan nila ng vaccines, habang nasa 23% naman ang hindi pa nakatatanggap ng vaccines laban sa covid19.

 

Sa kabilang dako, tinatayang nasa 7.7m na ang nasa kanilang masterlist na kabilang sa A2 category ay aabot pa lamang sa 6% o 466,000 ang natuturukan ng bakuna.

 

Makikita rin ani Cabotaje sa hawak nilang reportĀ  na karamihan ng A2, A3 ay matatagpuan sa NCR, CALABARZON, at Region III na pawang mga binuhusan aniya ng mga bakuna.

 

Sinabi pa rin niya na maging sa ibang rehiyon din umano ng bansa ay kakaunti pa lamang ang natuturukan ng Covid-19 vaccines kung saan umaasa aniya sila na sa pagdating pa ng mas maraming bakuna ay makukumpleto na ang pagbibigay ng vaccine para sa mga nasa A1, A2 at A3 priority group. (Daris Jose)

Other News
  • Dahil sa killer clown na si Pennywise sa ‘IT’: ANDREA, ini-reveal sa vlog na may takot sa mga payaso

    EXCITED na ang ilang Sparkle artists para sa magaganap na GMA Thanksgiving Gala sa July 30.       May kanya-kanya paghahanda ang ilang Kapuso hunks tulad nina Jak Roberto, Nikki Co, Kristoffer Martin at Dion Ignacio.       Si Jak ay gusto munang magbawas ng timbang para raw mas maganda ang lapat ng […]

  • Tennis star Nadal at Osaka nanguna sa Laureus Sportsman and Sportswoman of the Year

    Napili sina tennis star Rafael Nadal at Naomi Osaka ng Laureus Sportsman and Sportswoman of the Year.     Ito ang pang-apat na award ng world number 2 na si Nadal kung saan kinilala siya dahil sa pagkapanalo niya ng kaniyang ika-13th French Open na mayroon ng 20 major title.     Pangalawang beses naman […]

  • Blended learning sa maliliit na pribadong paaralan sa NCR, nasa kamay na ng IATF: DepEd exec

    Nasa kamay na ng COVID-19 task force ng pamahalaan ang blended learning sa mga pribadong paaralan sa Metro Manila na may maliliit na populasyon ng mga mag-aaral, ayon sa Department of Education nitong Miyerkoles.   Nang tanungin kung bukas ang DepEd sa pagpayag sa blended learning at ilang face-to-face interactions sa mga naturang paaralan, sinabi […]