• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ospital sa Metro Manila lumuwag na sa COVID-19 patients

Patuloy ang pagluwag ng ‘hospital occupancy’ para sa mga pasyente ng COVID-19 sa Metro Manila kasabay ng unti-unting pagbaba ng mga bagong kaso kada araw.

 

 

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na bumaba na sa 48% ang utilization rate ng mga pagamutan makaraang pumalo ito sa ‘high risk’ noong nakaraang Marso at Abril.

 

 

Nitong Mayo 16, naitala na lamang sa 57% ang utilization rate ng mga ICU beds mula sa pinakamataas na 88%. Nasa 42% ang isolation beds, 47% ang ward beds at 46% ang ventilators.

 

 

Naitala naman sa 36% ang occupancy rates ng mga pansamantalang ‘treatment and monitoring facilities’ ng pamahalaan.

 

 

Samantala, bumaba rin ang average na ara­wang kaso ng COVID-19 ng 27% sa NCR sa pagitan ng Mayo 10-16.

 

 

Naitala naman sa 36% ang occupancy rates ng mga pansamantalang ‘treatment and monitoring facilities’ ng pamahalaan.

 

 

Samantala, bumaba rin ang average na ara­wang kaso ng COVID-19 ng 27% sa NCR sa pagitan ng Mayo 10-16.

 

 

Ayon kay OCTA Research Fellow Prof. Guido David, ito ay magandang improvement mula sa da­ting 1,930 daily new cases.

 

 

Bumaba rin sa 0.57 ang reproduction number sa NCR, o ang bilang ng mga taong naihahawa ng isang pasyente ang sakit.

 

 

Habang ang positivity rate ay bumaba rin sa 11% na doble sa ideal na 5% na itinakda ng World Health Organization (WHO).

 

 

Ang Average Daily Attack Rate (ADAR) naman sa NCR ay nasa 10.71 per 100,000 populasyon.  Itinuturing na ‘high risk’ pa ito at dapat na mas mapababa pa sa 10.

 

 

Base sa DOH guidelines, pitong local government units (LGUs) na ang klasipikado bilang mode­rate risk, kabilang dito ang Navotas, Malabon, Manila, Taguig, Caloocan, Pasay at Muntinlupa.

 

 

Sa kabila nito, nagpaalala si Vergeire sa publiko at lalo na sa mga opisyal ng mga lokal na pamahalaan na huwag magrelaks at patuloy na mahigpit na magbantay. (Gene Adsuara)

Other News
  • Pinay MMA fighter nabigo sa muling paghaharap nila ni Ham Seo Hee

    NABIGO si Filipino fighter Denice Zamboanga sa muling paghaharap niya kay Ham Seo Hee.     Nakuha ni Ham ang unanimous decision laban kay Zamboanga sa ONE X na ginanap sa Singapore Indoor Stadium.     Sa naging panalo ngayon ng South Korean veteran mixed martial arts fighter ay kumbinsido na ang mga judges.   […]

  • After na maging busy ng ilang buwan sa work: DINGDONG, masayang ibinahagi ang latest family bonding ng ‘Dantes Squad’

    KAPURI-PURI at talagang pinupusuan ng mga netizen ang IG post ni Dingdong Dantes na kung saan ibinahagi niya ang masayang family bonding.   Kasama ng series of photos na kinunan niya, makikita ang mag-iinang Marian Rivera, Zia at Sixto. Enjoy at seryoso nga sila sa kani-kanilang personalized artwork, na lumabas namang magaganda.   Caption ng […]

  • Hirit ng mga transport group na dagdag pasahe, posibleng madesisyunan – LTFRB

    SIGURADO umanong bago ang Hunyo 30 ay makakapagpalabas na ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng desisyon kaugnay ng hirit ng ilang transport group na dagdag pasahe.     Sinabi ni LTFRB executive Dir. Maria Kristina Cassion, sisikapin daw ng board na makapagpalabas ng desisyon hanggang sa katapusan ng buwan.     May […]