2 MWP ng PRO4A at PRO8, timbog sa Valenzuela
- Published on May 19, 2021
- by @peoplesbalita
NAGWAKAS na ang pagtatago sa batas ng dalawang Most Wanted Person ng Police Regional Office (PRO) 4A at ng PRO8 matapos maaresto sa magkahiwalay na operation ng pulisya sa Valenzuela city.
Ayon kay Valenzuela City Police chief Col. Ramchrisen Haveria, Jr. dakong alas-12:30 ng madaling araw nang arestuhin si Roscoe Alve, 36, negosyante, ng mga operatiba ng VCP Warrant and Subpoena Section (WSS) sa pangunguna ni PLT Robin Santos, at Biñan City police sa kanyang bahay sa Kaypandan St., Canumay West.
Inaresto si Alve sa bisa ng warrants of arrest na inisyu ni Presiding Judge Jaime Banatin ng Biñan City, Laguna Regional Trial Court Branch 152 noong December 4, 2020 para sa kasong Murder at Robbery with Violence Against or Intimidation of Persons at walang inirekomendang piyansa.
Ayon sa pulisya, si Alve ay tinaguriang top 15 most wanted person ng PRO 4A dahil umano sa pagpatay sa kanyang call center agent na girlfriend na si Crisanta Magadia, noong July 2020 sa loob ng isang motel sa Biñan, Laguna.
Sa hiwalay na operasyon, dakong alas-11:45 umaga nang matimbog din ng mga operatiba ng VCP WSS sa pangunguna ni PLT Santos, kasama ang SS-9, PNP IG-ISOD, RIU 8, 2nd Leyte PMFC, PIU Northern Samar PPO, Allen MPS, 803rd MC RMFB 8, at 4th MFC RMFB NCRPO ang Top 3 Regional Level MWP ng PRO 8 na si Jose Gache, 63, pedicab driver malapit sa kanyang bahay sa 19-A Sto Rosario St.Brgy. Karuhatan.
Ani Col. Haveria, dinakip si Gache sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Decoroso M Turla, Presiding Judge, Regional Trial Court, Branch 23, Allen, Northern Samar, na may petsang December 16, 2013 para sa kasong Rape in relation to R.A 7610. (Richard Mesa)
-
Kapag naging Pangulo: Mayor ISKO, pipirmahan ang new franchise ng ABS-CBN ‘pag inaprubahan ng Kongreso
KUNG sakaling mag-apply muli ng franchise ang ABS-CBN at maaprubahan ito ng Kongreso, tiyak na pipirmahan ito ni Manila Mayor Isko Moreno if ever siya ang mahalal na susunod na pangulo ng bansa. “Kasama sa priority ko ang mabigyan ng trabaho ang mga tao so if ever maaprubahan sa Kongreso ang bagong franchise […]
-
BIKER, PISAK ULO SA TRAILER TRUCK
NASAWI ang isang biker matapos magulungan ng trailer truck sa bahagi ng Raxabago St., Tondo, Maynila Huwebes ng umaga. Sa ulat ng MPD-Traffic Enforcement Unit, nakilala ang biktima na si Rafoc Alvin Roxas, 39, nakatira sa no.05 BBS Navotas Bagumbayan south Navotas. Hawak naman ng pulisya ang driver ng trailer tractor […]
-
7 drug suspects nalambat sa buy bust sa Malabon
BAGSAK sa kalaboso ang pitong drug suspects, kabilang ang tatlong babae matapos makuhanan ng higit P87K halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Malabon City. Ayon kay Malabon police chief Col. Albert Barot, dakong alas-2:30 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit […]