• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOLE tiniyak tulong sa PWDs na nawalan ng trabaho

Nakahanda ang labor department na tulungan na muling makabangon ang mga persons with disabilities (PWDs) na nawalan ng trabaho dulot ng pandemyang Covid-19.

 

 

Ganito ang kaso ng 20 PWDs sa General Santos City na nakatanggap ng DOLE Integrated Livelihood Program (DILP) rice retailing starter kits na nagkakahalaga ng P400,867 mula sa General Santos City DOLE Field Office.

 

 

“Ang ating tulong ay bahagi ng mandato ng kagawaran na suportahan ang mga nasa marginalized sector para maiangat ang kanilang kabuhayan,” pahayag ni DOLE Region XII Director Raymundo Agravante.

 

 

Karamihan sa 20 PWD benepisaryo ay may kapansanan sa paningin at nawalan ng trabaho bilang spa attendants, masahista sa iba’t ibang health and wellness establishment sa lungsod sanhi ng pagbagsak ng ekonomiya dulot ng pandemyang Covid-19.

 

 

“Lisod kaayo para sa amuang PWDs nga madulaan ug trabaho lalo na karong pandemya, pasalamat kami sa DOLE sa ilang tabang para sa amuang kabuhayan,” saad ni Junard Gines, isa sa mga benepisaryo.

 

 

(Napakahirap para sa aming mga PWDs na mawalan ng trabaho ngayong panahon ng pandemya, gayunpaman nagpapasalamat kami sa DOLE dahil tinulungan nila kaming simulan ang aming pangkabuhayan.)

 

 

Pinangasiwaan nina DOLE General Santos Field Office head and chief labor and employment officer Conrado Artatez, Labor and Employment Officer II Rodilyn Pastor, at ng Barangay Local Government Unit ng Calumpang ang pamamahagi ng tulong.

 

 

Tiniyak ni Artatez sa mga benepisaryo na ang Kagawaran ay may sapat na kakayahan upang mapalakas at mapagbuti ang kanilang proyektong pangkabuhayan.

 

 

Hinikayat ni Regional Director Agravante ang lahat ng mga manggagawa sa SOCCSKSARGEN na nawalan ng trabaho na gamitin ang mga programa at serbisyo ng DOLE upang punan ang nawala nilang kita sa pamamagitan ng mga oportunidad na pangkabuhayan.

 

 

“Patuloy na nanawagan ang Kagawaran sa ating mga manggagawa sa pormal at impormal na sektor na samantalahin ang tulong na ito. Sama-sama tayong magtulungan para muling makabawi ang ekonomiya ng ating bansa sa pamamagitan ng pagnenegosyo,” dagdag ni RD Agravante. CDGamboa/SMDumalay

Other News
  • US, Australia at UK sanib puwersa na

    Inanunsiyo ni US President Joe Biden ang pagbuo ng AUKUS ang bagong tripartire partnership ng US, Australia at United Kingdom.     Ito ay para labanan daw ang banta ng China sa Pacific region.     Sa ginawang virtual launching ay nagsalita sina Australian Prime Minister Scott Morrison at British Prime Minister Boris Johnson.   […]

  • Ngayong nasa wastong edad na: JILLIAN, mas may pressure sa sarili dahil gustong mag-improve

    NGAYONG eighteen years old na si Jillian Ward na nagkaroon ng isang pabulosong debut party noong February 25 sa Cove ng Okada Manila.     Ano ang maituturing ni Jillian na malaking pagbabago sa kanyang personal na buhay ngayong disiotso anyos na siya?     “Sa totoo lang po, wala po masyado.     “Siguro […]

  • WILLIE, kinumpirma na ‘di na tuloy ang sitcom nila ni JOHN LLOYD kasama si ANDREA; aktor nali-link naman kay KATRINA

    MARAMING nagulat nang lumabas ang issue na hindi na tuloy ang paggawa ni John Lloyd Cruz ng project na ipu-produce ni Willie Revillame, na may nakita raw siyang ugali sa actor na hindi niya nagustuhan.      Walang narinig naman na sinabi si Willie at wala rin namang narinig mula kay Lloydie.     Finally, […]