• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Steph Curry inangkin ang ika-2 NBA scoring title

Napasa­kamay ni Stephen Curry ang kanyang ikalawang NBA scoring crown habang inangkin ng Portland Trail Blazers ang No. 6 berth sa Western Conference playoffs sa pagtatapos ng regular season games.

 

 

Sa San Francisco, nagpasabog si Curry ng 46 points sa 113-101 pagbugbog ng Golden State Warriors (39-33) sa Memphis Grizzlies (38-34) para kunin ang No. 8 spot sa play-in tournament sa West.

 

 

Nakamit ng 33-anyos na si Curry, naglista ng 32.0-point scoring average sa regular season, ang ikalawa niyang scoring title matapos noong 2015-16 season.

 

 

Sa Portland, tumipa si Damian Lillard ng 22 points at 10 assists sa 132-116 paggupo ng Trail Blazers (42-30) sa Denver Nuggets (47-25) at kunin ang No. 6 seat sa West playoffs.

 

 

Muling maglalaban ang No. 6 Blazers at No. 3 Nuggets sa first round ng playoffs.

 

 

Ang panalo ng Bla­zers ang naghulog sa nagdedepensang Los Angeles La­kers (42-30) sa play-in tournament sa kabila ng 110-98 panalo sa talsik nang New Orleans Pelicans (31-41).

 

 

Sasagupain ng No. 8 Warriors ang No. 7 Lakers sa play-in tournament sa West at lalabanan ng No. 9 Grizzlies ang No. 10 San Antonio Spurs (33-39).

 

 

Sa Sacramento, humataw si Fil-Am Jordan Clarkson ng 33 points sa 121-99 pagsagasa ng Utah Jazz (52-20) sa talsik nang Kings (31-41) para kunin ang No. 1 spot sa West playoffs.

 

 

Sa Atlanta, inupuan ng Hawks (41-31) ang No. 5 seat sa East playoffs sa 124-95 pagdomina sa talsik nang Houston Rockets (17-55).

 

 

Sa New York, naglista si Kevin Durant ng 23 points, 13 assists at 8 rebounds sa 123-109 panalo ng Brooklyn Nets (48-24) sa talsik nang Cleveland Cavaliers (22-50) para sa No. 2 berth sa East playoffs.

 

 

Inangkin naman ng New York Knicks (41-31) ang No. 4 spot sa East sa 96-92 pagdaig sa Boston Celtics (36-36).

Other News
  • PH Carlo Paalam sigurado na ang bronze medal matapos manalo by points vs Uzbek fighter

    Sigurado na ang bronze medal para sa Pinoy boxer na si Carlo Paalam matapos na manalo via points kontra sa 2016 Rio Olympics defending champion Shakhobidin Zoirov ng Uzbekistan.     Dahil dito pasok na sa semifinals si Paalam sa men’s flyweight class (48-52kg).     Noong una sa first round ay medyo nahirapan pa […]

  • Utos ni PBBM sa PNP, tamaan ang mga “malalaking isda” sa kampanya laban sa ilegal na droga

    IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Philippine National Police (PNP) na ituon ang pansin sa sindikato at high-profile illegal drugs personalities sa pagsasagawa ng agresibong anti-illegal drugs operations.     Sinabi ni PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil na ito ang gabay na isinasagawa nila ngayon at ipagpapatuloy na ipatupad sa mga araw patungo […]

  • Parking boy, binayaran ng saksak

    SAKSAK sa katawan ang ibinayad ng isang balasubas na lalaki sa parking attendant na kanyang inutangan matapos siyang singilin ng biktima sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.   Isinugod sa Tondo Medical Center ang biktimang si Arjay Cablaida, 19 ng 113 Brgy. Tanong para magamot ang malalim na saksak mula sa suspek na nakilala […]