Parking boy, binayaran ng saksak
- Published on March 11, 2020
- by @peoplesbalita
SAKSAK sa katawan ang ibinayad ng isang balasubas na lalaki sa parking attendant na kanyang inutangan matapos siyang singilin ng biktima sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.
Isinugod sa Tondo Medical Center ang biktimang si Arjay Cablaida, 19 ng 113 Brgy. Tanong para magamot ang malalim na saksak mula sa suspek na nakilala lamang sa alyas “Aries”, walang hanapbuhay at residente ng Bagong Silangan St. Brgy. San Jose, Navotas City na hinahanting na ngayon ng pulisya.
Sa ulat na ipinadala ni P/MSgt. Julius Mabasa kay Malabon police chief P/Col. Jessie Tamayao, dakong ala-1 ng madaling araw nang dumating ang suspek sa Estrella Street, Brgy. Tañong kung saan nagta-trabaho bilang parking attendant ang biktima.
Tinawag ni Aries ang biktima at sa pag-aakalang babayaran na siya ng suspek sa halagang P50.00 lumapit siya at tinanong kung babayaran na ang hiniram na salapi.
Nagalit umano ang suspek na posibleng napahiya sa mga nakarinig sa ginawang paniningil ng biktima kaya’t kaagad na nagbasag ng bote at inundayan ng saksak sa tiyan si Cablaida.
Sa kabila ng tama ng saksak, nakatakbo pa sa malapit na barangay hall si Cablaida upang humingi ng tulong na nagbunsod sa suspek na tumakas patungo sa hindi nabatid na direksiyon. (Richard Mesa)
-
Claro, 60 na iba pa pasiklab sa 1st WNBL Draft Combine
MAY 61 aspirante, sa pamumuno ni dating University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Most Valuable Player Camille Claro ng De La Salle University Lady Archers, ang mga nagladlad ng gilas sa unang araw ng 1st Women’s National Basketball League (WNBL) Draft Combine 2020 maghapon nitong Sabado sa Victoria Sports Tower sa Quezon City. […]
-
GATHER YOUR COVEN FOR ‘THE CRAFT: LEGACY’ TRAILER
THIS Halloween, let the ritual begin. Watch the trailer for Columbia Pictures’ new supernatural thriller The Craft: Legacy, coming to Philippine cinemas soon. In Blumhouse’s continuation of the cult hit The Craft, an eclectic foursome of aspiring teenage witches get more than they bargained for as they lean into their newfound powers. Written […]
-
Duque sa mandatory na pagsuot ng face shield: ‘We are guided by science and evidence’
Dinepensahan ni Health Sec. Francisco Duque III ang utos ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na nagma-mandatong magsuot na ng face shield ang publiko sa lahat ng pagkakataon, lalo na kung nasa labas ng bahay. “We are guided by science and evidence,” ani Duque sa press briefing nitong Miyerkules. Inulan ng reklamo at […]