• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bilang ng health workers, kinakapos pa rin – PHA

Patuloy na kinakapos ng health workers ang maraming ospital sa malaking bahagi ng ating bansa.

 

 

Ito ang pag-amin ni Philippine Hospital Association (PHA) president Dr. Jaime Almora, kasunod ng malaking pangangailangan sa mga doktor at nurses, ngayong ikalawang taon na ng COVID-19 pandemic.

 

 

Ayon kay Almora, kahit bumaba na ang bilang ng COVID cases, kumpara sa mga nakaraang buwan, may mga kakulangan pa rin sa health workers.

 

 

Ilan aniya sa mga ito ay nagkasakit na, may ibang nangibang bansa, habang ang ilan pa ay umayaw na dahil hindi nababayaran ng tama ng mga naluluging pagamutan at maging ng PhilHealth.

 

 

“This is now causing severe financial distress for private hospitals as well as government hospitals,” wika ni Almora.

 

 

Kaya naman, nagmungkahi ang PHA na panatilihin pa rin ang mga paghihigpit, upang maiwasan ang panibagong paglobo ng mga kaso.

 

 

Kasama na rito ang travel restrictions at malawakang contact tracing.

Other News
  • ‘Mag-ipon sa bangko, sa halip na sa alkansya’ – BSP

    HINIMOK ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang publiko na isaayos ang pag-iipon ngayong panahon ng pandemya.     Lumalabas kasi na marami ang nag-iipon ngunit nakalagay lamang ito sa mga piggy bank, jar o anumang container sa mga bahay.     Ayon kay BSP Governor Benjamin Diokno, maliban sa hindi ito nakakatulong sa pagpapalago […]

  • Vanessa Bryant , hiniling sa mga mambabatas na gumawa ng helicopter safety bill

    Hinikayat ng asawa ng yumaong NBA star Kobe Bryant na si Vanessa ang mga mambabatas sa US na gumawa ng bagong helicopter safety bill.   Ito ay matapos ang pagkasawi ng Los Angeles Lakers star kasama ang anak nitong si Gianna at pitong iba pa.   Ayon kay Vanessa, na ang pagpasa ng panibagong federal […]

  • PCO flagship paper Philippine Gazette nakikita ang mas malawak na maaabot sa pamamagitan ng bagong printing machine

    KAPUWA INAASAHAN ng Presidential Communications Office (PCO) at Bureau of Communications Services (BCS) na mapalalakas pa nito ang kanilang communications services sa tulong ng ide-deliver na isang unit ng brand-new two color Sakurai Oliver 226SI/SIP para sa printing capability ng bureau. “This brand-new offset will be of great help in expanding the reach of The […]