• December 4, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Vanessa Bryant , hiniling sa mga mambabatas na gumawa ng helicopter safety bill

Hinikayat ng asawa ng yumaong NBA star Kobe Bryant na si Vanessa ang mga mambabatas sa US na gumawa ng bagong helicopter safety bill.

 

Ito ay matapos ang pagkasawi ng Los Angeles Lakers star kasama ang anak nitong si Gianna at pitong iba pa.

 

Ayon kay Vanessa, na ang pagpasa ng panibagong federal law ay para mag-improve ang kaligtasan ng mga nag-ooperate ng helicopter sa US.

 

Naniniwala kasi ito na buhay pa sana ang kaniyang mag-ama kung may nakalagay na safety equipment ang mga helicopter.

 

Ang pahayag ni Vanessa ay kasunod ng pagpapakilala ni Californian Democratic Rep. Brad Sherman ng “Kobe Bryant and Gianna Bryant Helicopter Safety Act”.

 

Hiniling din ni Vanessa na palitan din ang tawag sa black box at gawin itong Mamba 8 Box bilang pagkilala sa tatlong batang Mamba team players at 2 Mamba coaches at tatlong Mamba parents na kabilang sa nasawi.

 

Magugunitang bumagsak ang sinakyang helicopter ni Bryant noong Enero habang patungo ang mga ito sa Mamba Sports Academy sa Thousand Oaks, California.

Other News
  • 4 na cabinet members ni British PM Johnson nagbitiw

    NAGBITIW sa kanilang puwesto ang apat na senior aides ni British Prime Minister Boris Johnson.     Kasunod ito sa pressure dahil sa mga kontrobersiyang kinakaharap ni Johnson.     Kinabibilangan ito nina director of communications Jack Doyle, policy head Munira Mirza, chief of staff Dan Rosenfield at senior civil servant Martin Reynolds.     […]

  • FILIPINONG PARI, ITINALAGANG MIEMBRO NG PONTIFICIAL ACADEMY

    ITINALAGA ni Pope Francis ang Filipino Dominican na si Fr.Albino Barrera , isang theologian at economist bilang miyembro ng  Pontifical Academy of Social Sciences.     Nakabase sa United States ang 65 taong gulang na pari  na moral theologian at professor ng economics at theology sa Providence College sa Rhode Island.     Ayon sa […]

  • Pagdagsa ng mga tao sa isang resort sa Caloocan, nangyari din sa India na nagbunga ng mabilis na pagkalat ng virus -Malakanyang

    IPINAALALA ng Malakanyang sa publiko ang nangyari sa India na hanggang sa kasalukuyan ay nakararanas pa rin ng matinding hagupit ng COVID 19.   Ang paalalang ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque ay kasunod ng naiulat na pagdagsa ng tao sa Gubat sa Ciudad resort sa Lungsod ng Caloocan na pinangangambahan ngayong magkalat ng virus. […]