• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DINGDONG, pinaliwanag kay ZIA na kailangang maging healthy para sa pamilya nila; MARIAN, ‘di rin nagpapahuli sa pagwo-workout

LAST Monday, nag-post uli si Dingdong Dantes sa kanyang Instagram account sa ginagawa niyang daily work-out na sinimulan niya noong Febuary this year.

 

 

At 40, gusto talagang ma-maintain ni Dingdong ang malusog at hindi lang basta magandang pangangatawan.

 

 

Sa post ng Kapuso Primetime King, may ibinahagi siya sa pagtatanong ng panganay na anak na si Zia Dantes, tungkol sa ginagawa niyang pagwo-workout araw-araw na nasa ika-15th week na.

 

 

“I make it a point to try and engage in any physical activity every morning.

 

 

“Because of the routine, Zia would ask, ‘Dad, why do you work out most days even while we are all still sleeping?’” panimula ng asawa ni Marian Rivera.

 

 

Dagdag paliwanag pa ng award-winning actor tungkol sa pagtatanong ni Zia.

 

 

“That genuine question deserves nothing but a sincere response. I told her, ‘…it’s because I want to be healthy for you and our family. I want to live longer and see you achieve your goals and dreams when you grow up.’

 

 

“‘I want to be able to carry you comfortably even when you’re…35.

 

 

Sa pagtatapos pa ni Dingdong, pinasalamatan niya ang ate ni Sixto.

 

 

Sey pa niya,During that conversation, I forgot to thank Ate Z because her curiosity reminded me of the reason why I am doing all of these.

 

 

“Sometimes, we get misaligned from our objective, but what’s definite is that HE uses beautiful messengers to get us back on track.

 

 

Samantala, naalala namin na maging si Marian ay hindi nagpapahuli sa pagwo-work, sa vlog ni Aiko Melendez na #AikonTalks, natanong nga si Marian kung paano niya nami-maintain ang sexy body kahit may Zia at Sixto na sila ni Dingdong.

 

 

“Hindi lang ako nakaka-post, may mga nagri-request, kaya ita-try kong I-post.

 

 

“Kasi pagod na pagod ako, basang-basa sa pawis, parang nahihiya ako minsan na I-post ‘yun, parang wag na lang.”

 

 

Pag-amin pa ni Marian sa kanilang pagwo-workout ni Dong.

 

 

“Sabi ko nga, minsan nag-uusap kami ni Dong. Nagwo-workout kami hindi para sumeksi, ang goal namin ngayon ay maging healthy para sa mga anak namin.

 

 

“Atleast magawa pa rin namin, masabayan pa rin namin kahit malaki na sila, na kaya pa namin masabayan sila kahit matanda na kami ni Dong.

 

 

“Kaya kailangan na maging healthy kami para sa pamilya namin.”

 

(ROHN ROMULO)

Other News
  • NBA MVP Nikola Jokic sinuspinde ng NBA; Morris at Butler ng Miami minultahan

    Sinuspinde ng NBA ng isang game ang Denver Nuggets star at reigning MVP na si Nikola Jokic dahil sa sinasadyang pagtulak sa Miami Heat forward na si Markieff Morris nitong nakalipas na Martes.     Dahil dito ang tinaguriang franchise center ay hindi makakalaro sa Huwebes kontra Indiana Pacers at wala ring sweldo sa isang […]

  • NAVOTAS MAGBIBIGAY NG P3K SA HINDI NABIGYAN NG SAP

    NAGLAAN ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng pondo para mabayaran ang mga pamilyang Navoteño na hindi nakatanggap ng P8,000 second tranche ng Bayanihan 1 Social Amelioration Program (SAP).     Inihayag ni Mayor Toby Tiangco na dagdagan ng Pamahalaang Lungsod ang natitirang P3,000 dahil 2,939 Navoteño families ang unang nakatanggap ng kanilang P5,000 cash aid […]

  • Pilipinas bumaba ang ratings sa pagiging masayahin – research

    Bumaba ang ratings ng Pilipinas sa dami ng mga Filipino na masaya ngayong 2021.     Ayon 2021 World Happiness REport ng United Nations na sa pang number 61 na ang ranking ng Pilipinas mula sa dating pang-52 noong 2020.   Gumamit ang researchers ng Gallup data kung saan tinatanong ang mga tao na i-rate […]