• July 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Jeremy Lin nagpahiwatig na tuluyang magretiro sa NBA

Nagpahiwatig na ng tuluyang pagreretiro si dating NBA star Jeremy Lin.

 

 

Ito ay matapos na hindi siya nakatanggap ng kontrata sa NBA para sa susunod na season.

 

 

Kasalukuyang naglalaro ito sa Chinese Basketball Association (CBA) sa Beijing Ducks team.

 

 

Mayroon itong 22.3 points at 5.6 assist per game sa nasabing liga.

 

 

Sa kaniyang social media sinabi nito na kahit naglalaro ito sa CBA ay alam niyang NBA player pa rin siya.

 

 

Umabot sa 10 season ang nilaro ng 32-anyos na Taiwanese player sa NBA kung saan sumikat siya sa New York Knicks noong 2012 at doon nakilala ang tawag sa kaniya na “Linsanity”.

Other News
  • Utang ng Pilipinas nanatili sa P13.64 trilyon

    HALOS hindi gumalaw ang “outstanding debt” ng gobyerno ng Pilipinas nitong Nobyembre 2022 sa P13.64 trilyon kasabay ng pagtaas ng halaga ng piso.     Ito ang ibinahagi ng Bureau of Treasury, Martes, ilang buwan matapos ipayo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kay Pangulong Ferdinand Marcos na iwasan ang “hindi kinakailangang gastusin” at magpatupad ng […]

  • Ads September 1, 2021

  • Pagtatapos ng COVID-19 nakikita na, pero mga bansa dapat kumayod nang husto sa paglaban vs virus – WHO

    INAMIN  ng World Health Organization (WHO) na maituturing na dramatiko ang pagbaba nang husto ng bilang ng mga kaso ng COVID-19 cases sa maraming mga bansa.     Dahil dito nanawagan ang WHO sa buong mundo na samantalahin ang pagkakataong ito na wakasan na ang pandemya.     Kinumpirma ni WHO chief Tedros Adhanom Ghebreyesus, […]