• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PNP trucks, choppers at speedboats naka-standby na para sa Covid-19 vaccine delivery – PNP chief

Inalerto ni PNP Chief PGen. Guillermo Eleazar ang apat na Helicopter PNP Special Action Force at 200 speedboat ng PNP Maritime group para gamitin sa paghahatid ng bakuna sa munisipyo sa labas ng Metro Manila.

 

 

Ayon sa PNP Chief, ito’y alinsunod sa direktiba ni DILG Sec. Eduardo Año sa PNP na tumulong sa paghahatid ng bakuna sa mga liblib na lugar at isla sa iba’t ibang panig ng bansa.

 

 

Ito’y matapos na atasan ng Pangulo ang DILG na I-supervise ang mabilis na pagdeliver ng bakuna sa gitna ng mga ulat na may mga napanis na bakuna.

 

 

Kasabay nito, inatasan din ni Eleazar ang lahat ng Police commanders na maglatag ng Security plan sa paghahatid ng bakuna at sa mga vaccination sites.

 

 

Sinabi ni Eleazar na makakaasa ang puliko na 24/7 magtatrabaho ang PNP upang makatulong na makamit ng bansa ang herd Immunity laban sa virus.

 

 

Samantala, bumuo na ang PNP Directorate for Police Community Relations (DPCR) ng panuntunan sa pakikipag-ugnayan ng mga pulis sa mga organizer ng community pantries.

 

 

Ayon kay sa ilalim ng binuong panuntunan na ang presensya ng mga pulis sa community pantries ay upang tiyakin lamang ang peace and order at nasusunod ang minimum public health safety protocols.

 

 

Kasabay nito, pinuri ni Eleazar ang paghingi ng paumanhin ni PNP Human Rights Affairs Office chief Police Brigadier General Vincent Calanoga sa mga organizer na natakot sa umano’y profiling.

Other News
  • Filipinas, kampeon sa 2022 AFF Women’s Championship vs Thailand, 3-0

    NAG-KAMPEON ang Filipinas, matapos maka-goal ng tatlong ulit sa AFF Women’s Championship laban sa Thailand.     Ang unang goal ay naipasok ni Jessika Cowart sa pamamagitan ng header sa seventh minute.     Ang ikalawa naman ay naipasok ni Katrina Guillou sa 20th minute ng laro.     Habang ang ikatlo ay naipasok sa […]

  • 2 Chinese National, hinarang sa NAIA

    NAHARANG ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang tangkang paglabas ng bansa ang dalawang puganteng Chinese national.     Ang dalawa ay naharang at naaresto sa magkahiwalay na insidente  sa NAIA terminal 1 nang tangkain niyang umalis ng bansa.     “They are now detained at our […]

  • Pinoy na walang trabaho bumaba sa 1.6-M, kaso job quality bumaba

    BAGAMA’T lumiit ang unemployment rate, tumaas ang porsyento ng mga Pilipinong naghahanap ng karagdagang trabaho o dagdag oras sa trabaho (underemployment rate).     Ayon sa December 2023 Labor Force Survey na inilabas ngayong Miyerkules ng Philippine Statistics Authority (PSA), bumaba patungong 3.1% ang unemployment rate — mas mababa sa 3.6% noong Nobyembre 2023.   […]