• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pacquiao No. 4 sa GOAT list

Pasok si Manny Pacquiao sa Top 25 Grea­test Boxers of All Time ng isang online site dahil sa tagumpay na nakamit nito at sa kontribusyon nito sa mundo ng boksing.

 

 

Inokupahan ni Pacquiao ang ikaapat na puwesto sa ilalim ng nangunang sina No. 1 Muhammad Ali, No. 2 Sugar Ray Robinson at No. 3 Mike Tyson.

 

 

Nagkasya lamang sa ikawalo si undefeated American fighter Floyd Mayweather Jr. habang ikalima naman si Rocky Marciano, ikaanim si Joe Louis at ikapito si Sugar Ray Leonard.

 

 

Binigyang-diin ng natu­rang site ang malaking naitulong ni Pacquiao upang muling mai-angat ang bo­xing hindi lamang sa Pilipinas maging sa buong mundo.

 

 

Matatandaang halos pabagsak na ang industriya ng boksing nang umusbong ang pangalan ni Pacquiao na naging daan upang mu­ling bigyan ng ningning ang naturang sport.

 

 

“Manny transcended the sport of boxing in a time when boxing is on a decline. He is the glimmer of light in the darkness that surrounds the world of bo­xing,” ayon sa The Top Tens.

 

 

Naging armas din ni Pacquiao ang bilis at lakas nito na tunay na nagpa­hanga sa kanyang milyun-milyong fans sa mundo.

 

 

Bukod pa rito ang magandang pag-uugali ng Pinoy champion sa labas ng boxing na isa sa dahilan para makahakot ng maraming fans sa tuwing sumasalang ito sa ibabaw ng ring.

 

 

Blockbuster ang halos lahat ng laban nito.

 

 

Mabango ang pangalan ni Pacquiao na bukod-tanging boksingero sa mundo na nagkamit ng world title sa walong magkakaibang dibisyon.

Other News
  • Ephesians 4:16

    From [Christ] the whole body, joined and held together by every supporting ligament, grows and builds itself up in love, as each part does its work.

  • Lee maangas ang workout, sasabay pa rin sa mga bata

    PAMBIHIRA  magpakondisyon sa ngayon si Philippine Basketball Association (PBA) star Paul John Dalistan Lee ng Magnolia Hotshots Pambansang Manok.     Pinagpepreparahan ng 31-anyos, 6-0 ang taas na Angas ng Tondo ang 46th PBA 2021 Philippine  Cup na balak umpisahan sa darating na Abril 9 makaraan ang Online 36th PBA Draft 2021 sa Marso 14. […]

  • Pacquiao sinimulan na ang boxing training

    Sinimulan na ni Manny Pacquiao ang kaniyang boxing training.     Sa kaniyang Twitter account, inanunsiyo ng fighting senator ang nasabing balita.     Hindi naman nito binanggit kung sino ang nakatakdang makakalaban nito.     Huling lumaban si Pacquiao ay noong Hulyo 2019 kung saan tinalo niya si Keith Thurman.     Magugunitang unang […]