• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Lee maangas ang workout, sasabay pa rin sa mga bata

PAMBIHIRA  magpakondisyon sa ngayon si Philippine Basketball Association (PBA) star Paul John Dalistan Lee ng Magnolia Hotshots Pambansang Manok.

 

 

Pinagpepreparahan ng 31-anyos, 6-0 ang taas na Angas ng Tondo ang 46th PBA 2021 Philippine  Cup na balak umpisahan sa darating na Abril 9 makaraan ang Online 36th PBA Draft 2021 sa Marso 14.

 

 

Ipinahayag  sa isang sports portal ng basketbolista, na diskarte niya upang makasabay pa rin sa maraming mga batang papasok sa pros.

 

 

Maraming guards ang 97 aspiranteng maging bagitong makapaglaro para sa unang propesyonal na liga ng basketbol sa Asia.

 

 

Dinokumento  ilang araw pa lang ang ang walang tigil na workout ng combo guard sa tulong ni Nicolo Chua ng Simple Grind sa pagpapaskil sa kanyang Instagram account.

 

 

“Don’t be the same. Be better,” bulala ni Lee sa isang litrato sa caption. “Eat, train, sleep, repeat.”

 

 

Tumama sa pro league star ding si Lewis Alfred ‘LA’ Tenorio ng Barangay Ginebra San Miguel ang tinumbok ni Lee.

 

 

Anang Tinyente, malinaw aniya nasapawan siya.

 

 

“Dahil sa ginagawa mo parang gusto ko nang mag-retire, eh, grabe ka pakundisyon pre!” komento ni Tenorio kay Lee. Sister company ang kanilang mga team nap ag-aari ni Rmn S Ang o ng San Miguel Corporation.

 

 

Hinagalpakan na lang ng tawa ni Lee, pinahagingan ang dahilan ng matinding workout.

 

 

“Naghahanda lang ako maraming bata na papasok,” anang Lee-thal Weapon kay Tenorio. “Para tumagal pa tayo, kuya.”

 

 

Pareho nang nagkakaedad ang dalawa pero sumasabay pa rin naman sa mga mas nakababatang karibal sa 10 iba pang team sa liga.

 

 

Ipagdiriwang ni Lee ang ika-32 kaarawan sa Araw ng mga Puso (Pebrero 14), samantalang ang ang PBA Ironman ay 36 anyos na.

 

 

Tama iyang diskarte mo Paul.

 

 

Advance happy birthday na rin.

 

 

***

 

 

Belated happy birthday to Mr. Efren S. Eustaquio Sr. of Barangay San Carlos, Binangonan, Rizal.  (Tatay ‘Ef’) turns 80 years old last Friday, February 12. May you have more birthdays to come po! (REC)

Other News
  • Number coding ng PUVs suspedido

    SINUSPINDE  ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagpapatupad ng number coding scheme sa mga pampublikong sasakyan sa Metro Manila upang masiguro ang dami ng sasakyan sa pagbubukas ng klase.       “We have agreed to suspend the number coding scheme for public transportation for the school year to pave the way for the […]

  • Kelot isinelda sa baril sa Caloocan

    BAGSAK sa loob ng rehas na bakal ang isang lalaki matapos mahulihan ng baril sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.       Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong suspek bilang si Jeffrey Gumaru, 37 ng Brgy. 118 ng lungsod.       Sa ulat ni Col. Lacuesta kay Northern […]

  • Gobyerno, sisimulan na ang pagbabakuna sa 5-11 years old sa Pebrero 4- Galvez

    NAKATAKDANG simulan ng pamahalaan at pangasiwaan ang pagtuturok ng Covid-19 vaccine sa mga kabataan na may edad na 5 hanggang 11 taong gulang sa Pebrero 4, 2022.     “We are already prepared in the vaccination of 5 to 11 years old,” ito ang iniulat ni National Task Force (NTF) Against Covid-19 chief implementer, Secretary […]