• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

30% vanue capacity sa religious gatherings sa National Capital Region (NCR) Plus, may go signal na ng IATF

PINAPAYAGAN na ng Inter-Agency Taks Force (IATF) ang 30% vanue capacity sa religious gatherings sa National Capital Region (NCR) Plus.

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nagpulong kahapon ang IATF kung saan ay nagsabi ang Metro Manila Council na payagan na ang mga Alkalde ng NCR na mapatupad ng 30% venue capacity sa mga religious gatherings.

 

Kung matatandaan ani Sec. Roque ay una nang pinayagan ng IATF ang religious gatherings na hanggang 10% ng venue capacity sa ilalim ng General Community Quarantine “with heightened restrictions”.

 

Subalit binigyan aniya ng diskresyon ang mga Local Government Units (LGUs) na taasan ang venue capacity ng religious gatherings na hindi tataas sa 30% allowable venue capacity.

 

Sa kabilang dako, sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na ang bagong polisiya na ia-apply din sa ibang lugar na nasa ilalim ng GCQ with heightened restrictions, ayyinaprubahan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) kasunod na rin ng naging kahilingan ng mga Simbahan.

 

Ipatutupad ito hanggang Mayo 31.

 

“This applies to all religious faiths, sects, and denominations,” ayon sa Kalihim.

 

Nauna rito, nagpatupad ang pamahalaan ng 10% venue capacity limit para sa religious gatherings para pigilan ang paglaganap ng virus.

 

Matatandaang isinailalim ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Metro Manila at mga karatig-lalawigan gaya ng Bulacan, Rizal, Cavite, at Laguna — na mas kilala bilang NCR Plus — sa GCQ with heightened restrictions mula Mayo 15 hanggang Mayo 31.  (Daris Jose)

Other News
  • Inalis na P3.8 billion sa health facilities enhancement fund, ibalik

    PINABABALIK  ni Deputy Speaker at Batangas Rep. Ralph Recto ang tinanggal na P3.8 billion sa health facilities enhancement fund at gamitin ito para sa medical specialty centers law.     Ang apela ay ginawa ng mambabatas matapos lagdaan ni Pangulong Marcos ang batas na magtatayo ng mga Specialty Centers sa mga piling DOH hospitals.   […]

  • Nag-celebrate sa isang tahimik na lugar… RHIAN, thankful sa three years na relasyon nila ni party-list Rep. SAM

    THREE years na ang relasyon nila Rhian Ramos at party-list representative, Sam Verzosa.         Pinost ni Rhian via Instagram ang pag-celebrate ng dalawa sa isang tahimik na lugar kunsaan silang dalawa ang naroon.         “Happy anniversary booboo 3 years na pero parang pang 3 weeks pa lang ang pagka-annoying […]

  • Perez pinasalamatan Terrafirma

    NAGPAABOT ng pasasalamat si Philippine Basketball Association (PBA) stalwart Christian Jaymar ‘CJ’ Perez para sa Terrafirma na pinaglaruan niya ng dalawang taon bago pinagpalit ng Dyip sa San Miguel Beer.     Inaprubahan nitong Martes ni pro league commissioner Wilfrido ‘Willie’ Marcial ang pag-swap ng 2018 top pick pick overall,  2019 Rookie of the Year […]