• October 3, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Perez pinasalamatan Terrafirma

NAGPAABOT ng pasasalamat si Philippine Basketball Association (PBA) stalwart Christian Jaymar ‘CJ’ Perez para sa Terrafirma na pinaglaruan niya ng dalawang taon bago pinagpalit ng Dyip sa San Miguel Beer.

 

 

Inaprubahan nitong Martes ni pro league commissioner Wilfrido ‘Willie’ Marcial ang pag-swap ng 2018 top pick pick overall,  2019 Rookie of the Year at two-time scoring champion mula sasakyan patungong Beermen.

 

 

Naging kahalili ng 27taong-gulang, 6-2 ang taas na guard/forward sina ang anim na manlalarong sina Russel Escoto, Joshua Angelo ‘Gelo’ Alolino, Matthew Allen ‘Matt’ Ganuelas-Rosser, SMB 2020 first-round pick, at 2022 first-rounder choice.

 

 

“My professional career started with you. I couldn’t be more thankful for the last two years. The friendship I made with everyone – utility, coaching staff and definitely my teammates. Thank you coach John (Cardel) and boss Bobby (Gov. Demosthenes Rosales) for believing in me. I appreciate your trust!” paskil ni Perez sa kanyang Instagram post nitong Biyernes. (REC)

Other News
  • Memorable ang eksena nila kasama sina Gina at Jaclyn: ALFRED, naramdaman at nakita kay NORA ang kanyang ina

    INAMIN ng magaling na aktor at konsehal ng Kyusi na si Alfred Vargas na sobrang saya niya na nagkaroon ng opportunity to work with the one and only Superstar and National Artist na si Ms. Nora Aunor sa pelikulang ‘Pieta’ na dinirek ni Adolf Alix, Jr. na ipalalabas this year.     Kaya nasabi niya […]

  • Diokno, Medalla, Pascual, Bonoan kinuha rin bilang bahagi ng BBM administration

    TATLO  pang magiging miyembro ng gabinete ng incoming administration ang inanunsiyo ngayon ni President-elect Ferdinand Marcos Jr.     Kinumpirma ni Marcos na kanyang magiging Trade secretary si Alfredo Pascual isang international development banker, finance expert at dating naging presidente ng University of the Philippines System     Pinangalanan din ni Marcos ang kasalukuyang Bangko […]

  • Abogadong Pinoy na nabaril sa Philadelphia, pumanaw na

    PUMANAW na ang 35-anyos na abugadong Pinoy na nabaril habang nagbabakasyon sa Philadelphia sa Amerika.     Sa Facebook account ng kanyang inang si Leah Bustamante Laylo, inanunsyo nito na alas 10:33 ng gabi kagabi, Philippine time nang bawian ng buhay si John Albert Laylo.     Ayon kay Philippine Consulate General in New York […]