• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinas 2nd sa vaccination rollout sa Southeast Asia

Pumangalawa na ang Pilipinas sa estado ng ‘vaccination rollout’ sa Southeast Asia makaraang umakyat na sa 4,097,425 doses ang naipamahagi sa mga mamamayan, ayon sa National Task Force Against COVID-19 nitong Linggo.

 

 

Sa datos mula sa Bloomberg World Data, nasa 4,097,425 kabuuang doses ng bakuna ang naibigay sa publiko ng Pilipinas habang nangunguna ang Indonesia sa 24,723,728 doses.

 

 

Nalagpasan na ng Pilipinas ang Cambodia (3,673,639) na nasa ikatlo at ang Singapore (3,407,068) na nasa ikaapat na puwesto na lamang habang nasa ikalima ang Myanmar (2,994,900).

 

 

Nasa ika-13 ranggo ang Pilipinas sa 47 bansa sa Asya at ika-37 mula sa 196 bansa sa buong mundo.

 

 

Mahigit 4 milyong Filipino na rin ang nabakunahan sa buong bansa  o 949,939 ang ‘fully-vaccinated’ na habang 3,147,486 naman ang nakatanggap na ng kanilang unang dose. (Daris Jose)

Other News
  • PSC P387-M ang utang sa SEAG

    KINALAMPAG sa P387M na utang sa iba’t ibang supplier sa pagdaos ng 30th Southeast Asian Games PH 2019 noong Nobyembre 30-Disyembre 11, 2019.   Siniwalat ito nitong Martes pagdinig sa Senado sa Pasay City sa panukalang 2021 budget ng Philippine Sports Commission (PSC) at ng Games and Amusement Board (GAB).   Ipinahayag ni PSC Executive […]

  • Kapitbisig sa Pag-unlad MPC, naiuwi ang Cooperative Awards for Continuing Excellence sa GGK 2022

    LUNGSOD NG MALOLOS – Sa lahat ng natatanging mga kooperatiba sa lalawigan, naiuwi ng Kapitbisig sa Pag-unlad MPC mula sa bayan ng Pandi ang pinakamataas na parangal na Cooperative Awards for Continuing Excellence sa isinagawang Gawad Galing Kooperatiba 2022 sa pangunguna ng Provincial Cooperative and Enterprise Development Office na ginanap sa The Pavilion, Hiyas ng […]

  • CHR, nag-deploy ng Quick Response Operation para imbestigahan ang mga insidente ng pagpatay sa election aspirants at local officials

    MARIING kinondena ng Commission on Human Rights (CHR) ang pagtaas ng karahasan laban sa mga election aspirant at local officials sa iba’t ibang bahagi ng bansa.     Kaugnay nito, nag-deploy na ang komisyon ng Quick response Operation team para imbestigahan ang mga insidente ng pagpatay at para matukoy kung ang mga ito ay politically […]