• July 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PSC P387-M ang utang sa SEAG

KINALAMPAG sa P387M na utang sa iba’t ibang supplier sa pagdaos ng 30th Southeast Asian Games PH 2019 noong Nobyembre 30-Disyembre 11, 2019.

 

Siniwalat ito nitong Martes pagdinig sa Senado sa Pasay City sa panukalang 2021 budget ng Philippine Sports Commission (PSC) at ng Games and Amusement Board (GAB).

 

Ipinahayag ni PSC Executive Director Guillermo Iroy, Jr., na nakakatanggap sila ng mga demand letter mula sa iba’t ibang mga supplier na sumisingil ng utang nila o ng pamahalaan sa nabanggit na halaga.

 

Pinakisuyo na na aniya ng PSC ang nasabing halaga sa Department of Budget and Management (DBM) upang mabayaran ang mga supplier sa lalong madaling panahon.

 

“In fact there are many too many demand letters we received. Some senators have also received letters from suppliers. We expect that this P387M will soon be released by the DBM,” bulalas ni Atty. Iroy.

 

Orasaniyang mai-release na ang nasabing pondo ng DBM, kaagad nilang ipapasa ang nhalaga sa Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC), na aayosng mga mga utang sa bawat supplier.

 

Nasa P6-B ang dapat na badyet ng ng gobyerno sa 11-nation, biennial sportsfest. Pero nasa P1.4B lang naipaluwal na ni PSC Chairman William (Butch) Ramirez kay PHISGOC President at Chief Operating Officer Ramon (Tats) Suzara.

 

Buhat ang P1B sa Office of the President o kay Pangulong Rodrigo Duterte.

 

Mabayaran na sana ang mga supplier sa lalong madaling panahon dahil kawawa rin ang ilang mga kompanya sa panahon ng Covid-9 na may pitong buwan na sapul nang tumama sa bansa nitong Marso. (REC)

Other News
  • WILLIE, kinukumbinsi pa rin ni President DUTERTE na tumakbong Senador

    KINUKUMBINSI pa rin ni President Rodrigo Duterte na tumakbo si Willie Revillame sa darating na national elections.     Patuloy ang panliligaw ng Pangulo kay Kuya Wil na tumakbong Senador para mas marami pa siyang matulungang Filipino.     Naniniwala kasi si Pangulong Duterte sa kakayahan ng tv host na makapagserbisyo sa buong bansa dahil […]

  • Miss Universe Myanmar THUZAR WINT LWIN, balitang ‘di na makababalik pagkatapos magsalita sa kaganapan sa bansa

    MARAMI ang nalungkot at naawa para kay Miss Universe Myanmar 2020 Thuzar Wint Lwin dahil hindi na raw ito makababalik sa kanyang bansa pagkatapos niyang magsalita tungkol sa mga nagaganap sa kanilang bansa sa US media.     Nakahanda na raw ang arrest warrant niya kapag dumating siya sa Myanmar.     Kabahagi si Thuzar […]

  • Pacman handa na sa laban

    Ibinida ng kampo ni boxing superstar Sen. Manny Pacquiao na handa ito at hindi na kailangan ang mahabang oras upang magpalakas sakaling muling tumapak sa ibabaw ng ring.   Ito ang reaksyon ng Pacquiao camp sa pahayag ni Top Rank big boss Bob Arum na niluluto na umano nito ang bakbakan sa pagitan ng Fighting Senator at […]