RFID DRIVE THRU, GAGAWIN SA MAYNILA
- Published on October 30, 2020
- by @peoplesbalita
DALAWANG araw na RFID drive-thru installation ang isasagawa sa Lungsod ng Maynila.
SA kanyang Facebook live, sinabi ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na idaraos ito simula Oct.31 hanggang Nob.1 na gaganapin sa Kartilya ng Katipunan.
Magsisimula ito mula alas- 9:00 ng umaga hanggang alas-6:00 ng gabi sa nasabing petsa.
Gayunman, nilinaw ng alkalde na mga Class 1 na sasakyan lamang ang papayagang pumila sa drive- thru gaya ng passenger van, kotse at SUVs.
Naisakatuparan aniya ito sa pamamagitan na rin ng pakikipag- ugnayan ng pamahalaaang lungsod sa NLEX, CALAX, CAVITEX, SLEX at sa tulong na rin ng Department of Transportation dahil na rin sa mga kahilingan ng maraming mga motorista na dumadaan sa nasabing mga toolgate.
Ayon pa sa alkalde, wala nang iba pang kailangan na dokumento kundi magdala lamang ng 200 daang piso para sa initial load ng RFID. (Gene Adsuara)
-
Ads November 22, 2022
-
3 timbog nang magtransaksyon ng shabu sa harap ng mga pulis sa Navotas
Kalaboso ang tatlong hinihinalang sangkot sa ilegal na droga matapos magtransaksyon ng shabu sa harap mismo ng mga operatiba ng Maritime Police na nagsasagawa ng surveillance operation sa Navotas city, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Northern NCR Maritime Police Station (MARPSTA) head P/Major Rommel Sobrido ang mga naarestong suspek na si Albert Mejarito, ng […]
-
DA, pinalakas ang pagsisikap kontra agri goods wastage
PINAIGTING ng Department of Agriculture (DA) ang pagsisikap nito npara masiguro na mayroong zero sa minimal wastage para sa agricultural commodities sa bansa. Sa isang kalatas, sinabi ng DA na palalakasin nito ang ugnayan sa mga industrial buyers para tulungan ang mga producers na maka-secure ng merkado para sa kanilang produksyon. […]