• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PCSO nagbigay ng P2.1-M para sa programa ng PSC

Nakatanggap ang Philippine Sports Commission (PSC) ng P2.145,110.47 mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

 

 

Tinanggap ni PSC cashier Marini Negado ang tseke mula kay PCSO private secretary 2 Marie Louise Serojales ang unang remittance ngayong taon.

 

 

Sinabi ni Serojales na kahit ngayong panahon ng COVID-19 pandemic ay tuloy pa rin ang pagtulong nila sa PSC.

 

 

Nakasaad kasi sa Republic Act 6847 na dapat mag-remit ang PCSO ng 30 percent ng charity fund at mga kita ng anim na sweepstakes lottery draws kada taon sa sports agency na gagamitin para sa development programs ng PSC.

 

 

Ilan sa mga tinatawag na grassroots programs ng PSC ay ang Batang Pinoy, Philippine National Games, Children’s Games at Indigenous People’s Games.

Other News
  • Maraming Pinoy naniniwalang matatapos na ang COVID pandemic ngayong 2022 – SWS survey

    MARAMING  Pinoy naniniwalang matatapos na ang COVID pandemic ngayong 2022 – SWS survey     Mayroong 51 percent sa mga lumahok sa survey ng Social Weather Station (SWS) ang umaasa na matatapos na ang COVID-19 crisis ngayong taong 2022.     Lumabas sa survey na 45 percent ang umaasa na hindi pa matatapos ngayong 2022. […]

  • 90% ng populasyon ng mundo, may resistance na kontra COVID-19 – World Health Organization

    INIHAYAG ng World Health Organization (WHO) na tinatayang nasa 90% na ng kabuuang populasyon ng mundo ang mayroon nang resistance kontra sa sakit na COVID-19.     Ayon kay WHO Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus, bunga ito ng tuluy-tuloy na malawakang bakunahan sa iba’t-ibang panig ng daigdig laban sa nasabing sakit dahilan kung bakit nagkaroon na […]

  • Chot dismayado sa pullout ng South Korea

    DISMAYADO  si Gilas Pilipinas head coach Chot Reyes sa biglaang pullout ng South Korea sa FIBA World Cup Qualifiers na sasambulat ngayong araw sa Smart Araneta Coliseum.     Nagdesisyon ang pamunuan ng Korea Basketball Association (KBA) na lumiban sa February window matapos magpositibo ang isa sa 12 players nito sa lineup.     Kaya […]