‘Fully-vaccinated’ na seniors, bawal pa ring lumabas
- Published on May 28, 2021
- by @peoplesbalita
Hindi pa rin dapat payagan na lumabas ng bahay ang mga senior citizen kahit na ‘fully-vaccinated’ na sila dahil sa may banta pa rin na mahahawa sila ng COVID-19 bunsod ng mababa pang bilang ng nababakunahan.
“Unang-una, ang baba pa ng vaccination rate natin… Therefore, in this point in time, kahit na sino pa ‘yan, mapa-senior citizen man ‘yan o ‘yong mga nasa 40s, mga nasa productive age group natin, I think hindi pa rin tayo dapat basta-basta magluwag doon sa mga restrictions natin,” ayon kay Dr. Maricar Limpin, vice-president ng Philippine College of Physicians.
Sinabi niya na dapat hintayin muna na mabakunahan ang 70 por-syento ng populasyon ng bansa bago pag-usapan ang mga pagluluwag sa restriksyon.
Bukod sa maaaring mahawa kahit bakunado na, puwede rin na sila ang makahawa ng iba na hindi pa nababakunahan.
Kasunod ito ng pa-nawagan ng National Commission of Senior Citizens na magtalaga ng eksklusibong oras ang mga supermarkets at botika para sa mga senior citizen.
Ayon kay Atty. Franklin Quijano, chairperson ng NCSC, maaari umano na ibigay sa kanila ang oras na mula 8-10 ng umaga dahil maaagang nagigising ang mga senior citizen at hindi makakahalubilo ang ibang age-group.
Sa pamamagitan nito, mapapataas ng mga senior citizen hindi lang ang kanilang kalusugang pisikal kundi pati kalusugang mental. (Gene Adsuara)
-
Ads May 20, 2024
-
FDA, nakikipag-ugnayan na rin sa gumagawa ng popular na Filipino instant noodles dahil sa isyu ng ‘ethylene oxide’
NAKIKIPAG-UGNAYAN na rin ang Philippine Food and Drugs Administration (FDA) sa kumpanya na gumagawa ng popular at paboritong instant noodle brand ng mga Pinoy para masuri ang safety standards compliance nito. Ayon sa FDA, sinimulan na nila ang pag-imbestiga sa naturang produkto kasunod ng lumabas na report mula sa European countries sa Ireland, […]
-
DA, DILG pinaigting ang implementasyon ng “HAPAG KAY PBBM PROGRAM” para sa food security
KAPUWA sumang-ayon ang Department of Agriculture (DA) ar Department of the Interior and Local Government (DILG) na paigtingin ang implementasyon ng localized agriculture production program na naglalayong tiyakin ang food security at pagaanin ang kahirapan sa bansa. Ang DA at DILG ang mga nangugunang ahensiya sa implementasyon ng Halina’t Magtanim ng Prutas at Gulay, Kadiwa’y […]