• May 17, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DA, DILG pinaigting ang implementasyon ng “HAPAG KAY PBBM PROGRAM” para sa food security

KAPUWA  sumang-ayon ang Department of Agriculture (DA) ar  Department of the Interior and Local Government (DILG) na paigtingin ang implementasyon ng  localized agriculture production program na naglalayong tiyakin ang food security at pagaanin ang kahirapan sa bansa.
Ang  DA at  DILG  ang mga nangugunang ahensiya sa implementasyon ng Halina’t Magtanim ng Prutas at Gulay, Kadiwa’y Yaman, Plants for Bountiful Barangays Movement (HAPAG Kay PBBM) Program.
Ang “HAPAG kay PBBM Program” ay isang whole-of-government initiative na naglalayong itaas ang access para sa mga sariwa, ligtas at abot-kaya o murang pagkain sa pamamagitan ng urban at peri-urban agriculture at community engagement.
Sa ilalim ng programa, magbibigay ang DA  ng “technical assistance, seeds at seedlings, fertilizers at pesticides” bilang financial assistance sa mga magpapartisipang barangay at magsasaka.
Sa kabilang dako, palalawigin naman ng DILG ang pagsasanay at suporta sa mga opisyal ng barangay sa kung papaano ipatutupad ang  programa  at pakilusin ang magpapartisipang residente ng  barangay sa pagdadala ng inisyatiba.
Sabay-sabay na inilunsad sa iba’t ibang  pilot barangays sa bansa, nakakuha naman ng suporta ang programa mula sa iba’t ibang rehiyon gaya ng  Cordillera Administrative Region (CAR), Eastern Visayas, at Caraga.
Ayon sa tagapagtaguyod nito,  ang  HAPAG Kay PBBM Program ay “still in the early stages of implementation and the agencies still have to address some challenges such as intensifying barangay and farmer participation to ensure long-term success.”
Ang VIsayas Agricultural and Fishery Councils (AFCs) Congress  idinaos sa Cebu City noong Setyembre, kinilala ng mga tagataguyod ang  ang pangangailangan na tiyakin ang epektibo  at mabisang implementayson ng programa at i- identify ang mga lugar para sa improvement.
“It was agreed upon during the Visayas Congress that the need for the DA and the DILG to develop a monitoring framework for the HAPAG Kay PBBM Program shall be prioritized to facilitate its progress and identify areas for improvement,” ayon sa ulat.
Inirekumenda naman ng AFC Visayas na ang dalawang pangunahing ahensiya ay mangyaring makipag-ugnayan sa  Presidential Communications Office (PCO) at Philippines Information Agency (PIA) para sa komprehensibong information dissemination campaign sa barangay level para masiguro ang tagumpay. (Daris Jose)
Other News
  • Pinay Tennis player Alex Eala nabigo sa quarfinals ng W25 Spain

    Nabigo si Filipina tennis player Alex Eala makaabot sa quarterfinals ng Platja D’Aro tournament o W25 Spain.     Ito ay matapos na talunin siya ni Irene Burillo Escorhuela ng Spain sa score na 6-2, 6-4.     Hawak pa ni Eala ang kalamangan sa second round hanggang tuluyang makabangon Spanish tennis player.     […]

  • Ads February 3, 2023

  • QC pansamantalang itinigil ang pag-isyu ng PWD ID

    Pansamantalang itinigil ng Quezon City government ang pagpoproseso ng identification card para sa mga persons with disability.   Kasunod ito sa kontrobersiya ng pagkakaroon ng mga PWD ID ang anim na miyembro ng isang pamilya kahit na ang mga ito ay hindi kwalipikado.   Sinabi ni Quezon City Mayor Joy Belmonte, simula ngayong araw hanggang […]