• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

4 timbog sa Valenzuela buy-bust

NASAKOTE ang apat na drug suspects, kabilang ang isang byuda matapos makuhanan ng higit sa P176K halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy- bust operation ng pulisya sa Valenzuela City.

 

Ayon kay Valenzuela police chief Col. Fernando Ortega, alas- 10:45 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcemen Unit (SDEU) sa M. Gregorio St. Brgy. Canumay West kontra kay Eryl Bergonia, 34, at Mary Ann Evangelista, 47, byuda, kapwa ng M. Gregorio St.

 

Kaagad inaresto nina PSSg Gabby Migano at PCpl Dario Dehitta ang mga suspek matapos bentahan ng P500 halaga ng shabu si PCpl Randy Canton na nagpanggap na buyer.

 

Ani SDEU investigator PSSg Ana Liza Antonio, narekober sa mga suspek ang aabot sa 10 gramo ng shabu na nasa P68,000 ang halaga, buy-bust money, P250 bills at cellphone.

 

Nuana rito, natimbog din ng mga operatiba ng SDEU sa buy- bust operation sa No. 1 Kampupot St. Balangkas, dakong 5:45 ng gabi si Rolando David Jr., 39, at Gerardo Agregado Jr., 39 matapos bentahan ng P2,000 halaga ng shabu ang isang pulis na umaktong poseur-buyer.

 

Nasamsam sa mga suspek ang aabot sa 16 gramo ng hinihinalang shabu na nasa P108,800.00 ang halaga, buy-bust money, P1,800 bills at dalawang cellphones.

 

Paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kakaharaping kaso ng mga naarestong suspek. (Richard Mesa)

Other News
  • Dream na niya noon pa na maging beauty queen: GABBI, nagpaalam kay JULIA na makakatrabaho si JOSHUA

    HINDI lamang nakapag-bonding kundi mas nakilala pa nina Bianca Umali at Ruru Madrid ang bawat isa sa recent Paris trip nila in connection with their GMA Public Affairs/VIU Philippines series na ‘The Write One”.     “Nakita ko ‘yung patience and growth ni Ruru that I don’t really see when we are in Manila kasi […]

  • Orihinal na mga Sang’gre, muling nagsama-sama: SUNSHINE, gumanda at bumata, habang hot pa rin si DIANA

    MULING nagsama-sama sa “It’s Showtime” stage ang orihinal na mga Sang’gre ng “Encantadia”   Noong Martes, Nob. 7, muling nagkita-kita sina Iza Calzado, Diana Zubiri, at Sunshine Dizon para sumama sa team ni Karylle para sa kanilang pagtatanghal sa “Magpasikat”.   Ibinalik ng apat na Sang’gre ang mga manonood noong 2005 gamit ang kanilang phenomenal […]

  • ‘Fruitful talks” kay Pres. Xi, Iniulat ni PBBM

    INIULAT ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mabunga at produktibong  bilateral meeting nito kay Chinese President Xi Jinping sa  Beijing.     Ang nasabing miting ay nakatuon sa  “soft infrastructure, climate change, renewable energy, people-to-people ties at agricultural cooperation na kinabibilangan ng tinatawag na  “durian protocol.”     “It has been a very wide-ranging […]