• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pingris binigyang pugay!

Kaliwa’t kanan ang papuring tinanggap ni Marc Pingris ng Magnolia Hotshots nang magdesisyon itong tuluyan nang magretiro matapos ang 16 taong paglalaro sa PBA.

 

 

Kabilang na sa mga nagbigay-pugay si Barangay Ginebra head coach Tim Cone na minsan nang nahawakan si Pingris sa kampo ng Hotshots.

 

 

Isa si Pingris sa itinutu­ring ni Cone na paborito nitong player dahil sa magandang pag-uugali nito sa loob at labas ng court.

 

 

“End of an era. Certainly one of a kind. I loved, in every way, coaching Ping. Tough as nails on the court, gentle in spirit off it,” ani Cone.

 

 

Dahil dito, isa si Pingris sa nagsisilbing magandang halimbawa ni Cone sa mga baguhang players na tinuturuan nito.

 

 

“Marc Pingris will be the standard from which I coach future players. My fave,” ani Cone.

 

 

Nagpasalamat naman si Pingris sa magandang mensahe ni Cone.

 

 

Aminado si Pingris na malaki ang papel ni Cone sa mga tagumpay na na­tamo nito sa kanyang professional basketball career.

 

 

Kaya naman hindi nito makakalimutan ang lahat ng itinuro nito sa kanya lalo pa’t noong mga panahong nagsisimula pa lamang ito sa PBA.

 

 

“Coach Tim, it’s because of you that I grew to understand the sport as more than a game. Thank you for giving me the opportunity to become part of history with our 2014 grand slam. I am proud to have played the game we both love with you,” ani Pingris.

Other News
  • MAVY at KYLINE, kinakiligan ng netizens ang photos na kuha sa lock-in taping

    KINILIG ang netizens sa mga photos na lumabas nila Mavy Legaspi at Kyline Alcantara habang nasa lock-in taping sila ng I Left My Heart In Sorsogon.     Nakunan ng video ang eksena nila Mavy at Kyline habang naglalakad sila sa isang beach resort sa Sorsogon.     Kitang-kita ang kilig ng dalawa habang binibigyan […]

  • Lacuna: Unang babaeng alkalde ng Maynila

    GUMAWA ng kasaysayan si incumbent Vice Mayor Honey Lacuna makaraang maiproklama kahapon na unang babaeng alkalde ng siyudad ng Maynila.     Pasado alas-7 ng gabi nang ideklara ng local board of canvassers ng Comelec si Lacuna bilang nagwagi sa ­mayoralty race sa Session Hall ng Sangguniang Panglungsod.     Iprinoklama rin ang bagong Bise […]

  • Guo pinapa-obligang maglabas ng record kung paano nagastos ang P1.1-B sa kaniyang account

    IPINAG-UTOS ni Senate committee on women, children, family relations and gender equality chairman Senator Sherwin Gatchalian ang pagpapalabas ng subpoena para obligahin si dating Bamban Mayor Alice Guo na maglabas ng mga records ukol sa nadiskubreng check disbursements na nagkakahalaga ng P1.1 bilyon mula sa kaniyang account.     Dagdag pa ni Gatchalian na hindi […]