Tolentino kumpiyansa sa tsansa ng mga Pinoy athletes sa Olympic gold
- Published on May 28, 2021
- by @peoplesbalita
Naniniwala ang Philippine Olympic Committee (POC) na ito na ang pagkakataon para makamit ng bansa ang inaasam na kauna-unahang gold medal sa Olympic Games.
Ito ay sa kabila ng ilang panawagan na ipagpaliban muli ang Olympics na idaraos sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8 sa Tokyo, Japan dahil sa paglobo ng kaso ng mga nagpopositibo sa coronavirus disease (COVID-19) sa nasabing bansa.
“Ito na iyong malaking chance natin na magka-first gold medal tayo sa Olympics, bakit naman ako aayon sa gusto na i-cancel?” ani POC president Abraham ‘Bambol’ Tolentino.
Kasalukuyang nasa state of emergency ang Tokyo at iba pang siyudad ng Japan dahil sa COVID-19 surge na inaasahang papalawigin hanggang Hunyo 20.
Sa inilabas na editorial ng Japanese newspaper na Asahi Shimbun ay hiniling nito kay Prime Minister Yoshihide Suga na “make a calm, objective assessment of the situation and make the decision to cancel this summer’s Olympics”.
Nakakuha na ng Olympic berth sina 2016 Rio de Janeiro Olympics silver medalist at weightlifter Hidilyn Diaz, gymnast Carlos Yulo, pole vaulter EJ Obiena, rower Cris Nievarez, taekwondo jin Kurt Barbosa at boxers Eumir Felix Marcial, Irish Magno, Nesthy Petecio at Carlo Paalam.
-
Dahil sa sunod-sunod na bagyo: Pinas, aangkat ng 4.5-M tonelada ng bigas dahil sa pinsala sa agrikultura
SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na aangkat ang Pilipinas ng 4.5 milyong tonelada ng bigas matapos ang pinsalang natamo ng sektor ng agrikultura dahil sa sunod-sunod na bigwas ng bagyo na tumama sa bansa. Ang pag-angkat ng bigas ay sapat para sa pangangailangan ng mga Filipino. Sinabi ito ng Pangulo sa […]
-
Quake drills, layon na bawasan ang casualties- NDRRMC
NANAWAGAN ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa publiko na magpartisipa sa lahat ng earthquake drills na naglalayong bawasan ang casualties lalo pa’t walang paraan ma-predict kung kailan mangyayari ang lindol. “We call on everyone to join the drill once again as part of our effort to reinforce earthquake preparedness. […]
-
LTO district chief suspendido; Masamang behavior ng pasahero sa PUVs responsibilidad ng driver, operator at conductor
ISANG hepe ng Land Transportation Office (LTO) sa Novaliches district unit ay suspendido matapos na maaresto ang limang pinaghihinalaang fixers sa labas ng opisina ng nasabing ahensya Ayon kay LTO assistant secretary Jay Art Tugade na ang nasabing opisyal ay sinuspinde habang nagsasagawa ng imbestigasyon dahil sa fixing activities sa district office. […]