Bagyo sa Silangang bansa, unti-unti nang pumapasok sa PH territory – Pagasa
- Published on October 30, 2020
- by @peoplesbalita
UNTI-UNTI nang pumapasok sa Philippine area of responsibility (PAR) ang tropical storm Rolly na may international name na “Goni.”
Ayon sa Pagasa, nasa loob na ng ating karagatan ang outer portion ng bagyo.
Pero maaaring mamayang hapon (Oct 29) pa ito ganap na makapasok nang buo sa PAR, dahil sa lawak ng sirkulasyon.
Huling namataan ang TS Rolly sa layong mahigit 1,000 km sa silangan ng Central Luzon.
May lakas itong 65 kph at may pagbugsong 80 kph. Kumikilos naman ito nang mabagal sa direksyong pahilagang kanluran.
Palaisipan pa rin kung saan ang direktang tatamaan ng unang landfall nito, dahil magkakaiba ang pagtaya ng local at international weather agencies.
Sa data ng Pagasa, sinasabing direkta itong tatama sa Catanduanes, bago tatagos sa Camarines provinces at lalabas sa Batangas area.
Para naman sa Japan Meteorological Agency (JMA), dadaplis lamang ito sa Bicol at maaaring ang unang landfall raw ay sa Polilio Island sa lalawigan ng Quezon.
Habang sa Joint Typhoon Warning Center (JTWC) ng USA, hindi raw ito tatama sa Bicol region at sa halip ay Polilio Island at Aurora ang posibleng sapulin ng bagyo.
-
Ads February 28, 2022
-
Traffic management plan sa SONA, plantsado na
TINIYAK ng ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na handa na ang traffic management plan para sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nakatakda sa Lunes, Hulyo 22, sa Batasang Pambansa sa Quezon City. Sinabi ni MMDA Acting Chairman Don Artes na nasa 1,329 nilang tauhan ang naatasang […]
-
McGregor talo na naman nabalian pa sa ankle sa 3rd fight kay Pornier
Lumasap na naman ng talo ang kontrobersiyal na si Conor McGregor sa kamay ng kanyang karibal na si Dustin Poirier sa pamamagitan ng TKO sa UFC 264. Nangyari ito sa first round lamang ng ikatlong nilang fight na ginanap sa T-Mobile Arena sa Las Vegas. Ang dalawang ay long time rival […]