• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PH taekwondo jin Kurt Barbosa, ginamit ang kahinaan ng kalaban upang mag-qualify sa Tokyo Olympics

Sinamantala ni Filipino Taekwondo jin Kurt Barbosa ang pagkakataon sa last remaining five-seconds sa kaniyang laban sa men’s-58-kg semifinals division upang maipanalo ang Asian Taekwondo Olympic Qualification Tournament sa Amman, Jordan.

 

 

Sa panayam  kay Barbosa, nakita niyang pagod na ang kaniyang kalaban na si Zaid Al-Halawani na hometown bet at hindi na makadepensa kaya sinamantala na niya ang pagkakataon at ang second kick niya umano ang nagbigay daan sa kaniyang pagkapanalo sa 49-48 na puntos.

 

Aniya, hindi niya inaasahan na maipapalo niya at maging kwalipikado sa Tokyo Olympics dahil sobrang kinabahan siya sa laban at sobrang saya nito, kahit ipinagbabawal ay naibato pa niya ang kaniyang head gear.

 

 

Sa ngayon ay naka-quarantine sa isang hotel si Barbosa habang isinasagawa ang pagsasanay para mapaghandaan ang Tokyo Olympics.

Other News
  • ‘Limitless: A Musical Trilogy’, wagi ng Silver Award sa 2022 New York Festivals: JULIE ANNE, ginulat ang followers nang i-post ang short hairstyle

    GINULAT ni Julie Anne San Jose ang kanyang 2.6 million followers sa Instagram nang i-post niya ang bagong short hairstyle niya.     Tawag sa hairstyle ng Limitless Star ay wolf haircut at pinakulayan pa niya ito ng bright golden brown.     Dahil tapos na ang kanyang musical trilogy na Limitless, pinagupit na ni […]

  • 3×3 basketball tournament pinayagan ng magsagawa ng bubble games

    NAKAKUHA na ng go signal mula sa Inter-Agency Task Force ang Chooks-to-Go Pilipinas 3×3 na magsagawa ng bubble game sa Calamba, Laguna.   Isasagawa ang nasabing President’s Cup sa Oktubre 21 na unang hindi pinayagan noong nakaraang dalawang linggo.   Sinabi ni league owner Ronald Mascariñas, na labis silang nagagalak dahil sa pinayagan na silang […]

  • Ads April 4, 2022